Habang nasa biyahe ay wala silang imikan ni Maureen. Kinakabahan siya sa gagawin niya hindi niya alam ang magiging reaksyon ni Mr. Blossom sa sandaling ipakilala niya si Maureen bilang fiancée niya at sasabihin niyang malapit na silang ikasal at nakahanda na ang lahat para sa kasal nila kaya’t makikiusap siya dito na iba nalang ang hilingin ninto sa kanya. Mabuti nalang at naisip niya kanina ang ganong idea habang pinagmamasdan niya si Maureen sa hapag kainan, ang balak lang sana niya kanina ay kausapin ito tungkol sa kung ano ang nangyari sa kanya kagabi pero biglang nag-iba ang isip niya ng maalala niya ang pagkikita nila ngayon ni Mr. Blossom. Hindi niya pwedeng ipakilala si Eunice dahil baka kasama ni Mr. Blossom si Olga, kilala niya si Olga masama ang ugali ninto handa itong magbayad para lang mawala ang hadlang sa gusto ninto kaya dapat lang na protektahan niya si Eunice ngayon. Dapat lang na hindi makilala ni Olga si Eunice na girlfriend niya. Tumatakbo sa isip ni Glazer habang nagmamaneho siya.
Tiningnan ni Maureen si Glazer tahimik lang ito na mukhang malalim ang iniisip. Ano kaya ang tumatakbo sa isip ng halimaw na ito. Saka sino ba ang kakatagpuin niyang tao na sinasabi ninto kanina? At bakit ako pa ang kailangang magpanggap na girlfriend niya. Samantalang may girlfriend naman siya. Bakit hindi nalang iyon ang isama niya?. Kinakabahan nanaman ako sa mga ikinikilos niya mukhang may hindi magandang gagawin siya ngayon na ako ang mapapahamak sa bandang huli. Napabuntong hininga nalang si Maureen sa isipin niyang iyon at inaliw nalang niya ang sarili niya sa pagtingin sa lugar na dinadaanan nila.
Maureen malapit na tayo. Salita ni Glazer sa namamayaning katahimikan.
Sir diba ang daan na ito ay papunta sa hospital? Maaari ko bang dalawin ang papa ko mamaya sir? tanong ni Maureen na may pag-aalangan sa boses niya.
Oo ang daan na ito ay papunta sa hospital pero hindi tayo sa hospital pupunta dahil liliko tayo sa kabilang kanto sa restaurant tayo pupunta kaya huwag mo nang pangahasan pang dumalaw sa walang kuwenta mong ama.
Saka Maureen mamaya pagkaharap na natin si Mr. Blossom huwag na huwag mo akong tatawaging sir. Ang itawag mo sa akin ay honey dahil dadalhin kita doon para ipakilalang girlfriend ko kaya umayos ka ng pagsagot mo mamaya kung sakaling tanungin ka nila. Lagot ka sa akin pagnagkamali ka ng sagot. Nagkakaintindihan ba tayo? Pagalit na pagkasabi niya kay Maureen.
O-opo sir naiintindihan ko po ang lahat ng sinabi mo. Sagot ni Maureen na may pagkatakot sa boses niya.
Mabuti kung ganun. Pagtinanong ka nila kung ilang taon na tayong magkasintahan sabihin mo ay tatlong taon na tayo at anim na buwan na tayong nagsasama sa iisang bubong at sabihin mo rin na buntis kana pagtinanong nila kung ilang buwan sabihin mo ay isang buwan palang.
Ha! Buntis Gulat na salita ni Maureen. Bakit pati iyon ay sasabihin ko pa? hindi ba pwedeng ikaw nalang ang magsabi tapos sasakyan ko nalang lahat ng sasabihin mo? Sagot niya dito.
Huwag ka ngang tanga! diba sinabi ko pagtinanong ka lang hindi ko sinabing ikaw na ang magsimulang magsabi sa kanila. Malinaw naman ang pagkakasabi ko sayo bakit tatanga tanga ka pa rin basahang babae ka? Bulyaw niya kay Maureen na halata sa boses niya ang matinding pagkainis dito.
Pasensya na po sir, pagpapaumanhin niya kay Glazer. Wala ng iba pang salita ang lumabas sa bibig niya kundi ang pasensya lang dahil baka pagsumagot pa siya ng sumagot kay Glazer ay lalo lang itong magalit sa kanya kaya tumahimik nalang ulit siya at ibinalik nalang niya ulit ang tingin sa kalsadang dinadaanan nila.
Nandito na tayo ayusin mo na ang sarili mo, at lalo na ang mga sasabihin mo saka ang galaw mo na rin. Utos ni Glazer na mahinahon sa kanya.
Ipinarada ni Glazer ang sasakyan niya sa parking lot malapit sa entance ng restaurant. Binuksan ninto ang pinto ng sasakyan niya at nagmamadali itong bumababa sa sasakyan akala ni Maureen ay iiwan na siya ni Glazer sa sasakyan ngunit napakunot ang noo niya ng makitang umikot ito sa sasakyan at pinagbuksan siya ninto ng pinto. Huh! Pakitang tao kunwari mabait pero halimaw naman ang ugali bulong ni Maureen na mahina bago siya bumaba ng sasakyan ninto. Pagkababa niya ay hinawakan ni Glazer ang kamay niya.
Magka holding hands silang naglakad papasok sa entrance ng restaurant.
Kinakabahan si Maureen sa mga oras na iyon dahil hindi niya alam kung magagawa ba niya ang mga sinabi ni Glazer kanina, baka magkamali siya siguradong malaking g**o ang aabutin niya kay Glazer.
Pagpasok nila ni Glazer sa restaurant ay napansin ni Maureen na mamahalin ang mga pagkain sa restaurant na iyon at mukhang mga sosyal ang mga costumer ng restaurant na iyon, nangliit siya sa sarili niya dahil parang hindi siya bagay na pumasok sa ganoong klaseng restaurant saka hindi pa siya naka experience kumain sa class na restaurant ,puro carinderia lang ang kinakainan niya kaya parang nakaramdam siya ng kunting hiya.
Maureen tatanga- tanga ka nanaman bulong ni Glazer na mahina sa tainga niya saka bahagya pa nintong inilapit ang labi ninto sa tainga niya. Ayusin mo ang sarili mo mukhang subra kang tense sa kinikilos mo. Pahabol pa nintong bulong sa kanya.
Sorry mahinang sagot niya dito.
Hinigpitan ni Glazer ang pagkakahawak sa kamay niya kaya medyo kinabahan siya. Lalo pang tumindi ang nararamdaman niyang kaba ng humito sila sa may table na may naka-upong matandang lalaki. Pagtingin niya sa matandang lalaki ay parang nabawasan ang kaba niya sa dibdib, mukha kasing mabait ang hitsura ninto.
Good morning Mr. Blossom bungad na bati ni Glazer saka hinatak niya ang upuan at inalalayan niyang umupo si Maureen, nang naka upon si Maureen ay hinatak niya ulit ang isang upuan sa tabi ninto at saka siya umupo.
Hijo sino ang kasama mong babae? Matipid na tanong ni Mr. Blossom kay Glazer at tintigan niya ang babaeng kasama ni Glazer na nakaupo sa harapan niya.
Mr. Blossom , she is my dearest fiancée. Nakangiting sagot ni Glazer kay Mr. Blossom.