Natulala si Glazer sa mga sinabi ni Maureen parang tinusok ang puso niya dahil sa sinabi ninto, habang nakatingin siya sa mga mata ninto hindi niya mapigilang makonsensya dahil parang siya ang pinapatamaan ninto sa binitiwang mga salita ninto.
Nakadama ng awa si Mr. Blossom kay Maureen habang tinitingnan niya ito, nakikita niya sa mga mata at mukha ninto na subra itong nasasaktan. Naalala tuloy niya ang kanyang kaisa-isang anak na babae pag-tinititigan niya kasi ang batang babaeng ito ay parang nahahawig ang hugis ng mukha pati ng mga mata sa kanyang anak. Ganitong ganito ang hitsura ng anak ko sa tuwing nakikiusap siya sa akin, pero hindi ko pinagbigyan ang gusto niya dahil sa katigasan ng puso ko noon, hindi naging maganda ang resulta ng mga desisyon niya sa kanyang anak. Bahagyang napabuntong hininga siya sa isiping iyon saka bahagya siyang nguniti. Kung siya lang ang masusunod ay ayaw na talaga niyang ipilit ang gustong manyari ni Olga pero paghindi niya ito ginawa ay siguradong maaapektuhan nanaman ninto ang kanyang anak.
Sige hijo dahil sa sinabi ng fiancée mo ay pagbibigyan kitang makapag-isip pa ng ilang araw pero dapat sa susunod na pag-uusap natin ay meron kanang huling desisyon ayuko na rin makita ang fiancée mo na kasama mo sa susunod maliwanag ba? Tanong ni Mr. Blossom na mahinahon kay Glazer.
M-maraming salamat po Mr. Blossom. Masayang tugon ni Glazer dito.
Kung ganoon ay hindi na ako magtatagal aalis na ako, saka tumayo na si Mr. Blossom sa kinauupuan niya saka nagsimula na itong lumakad padireksyon sa exit ng restaurant.
Nang tuluyan ng nawala sa paningin nila si Mr. Blossom ay agad niyang hinarap si Maureen.
Hahahaha tawa ni Glazer na mahina habang nakatingin kay Maureen. Ang galing mo palang umarte pinahanga mo ako sa ginawa mo, biruin mo lumambot ang puso ni Mr. Blossom sa pag-arte mo. Sa boses niyang nakakaluko.
Kung sa palagay mo sir ay umaarte ako nagkakamali ka dahil totoo ang sinabi ko sa kanya. Matipid na sagot ni Maureen.
Totoo bakit pati ba ang pagmamahalan natin ay totoo ?
Hindi bakit sinabi ko bang totoo iyon? Sagot ni Maureen na may pagkainis sa boses niya.
Wow baka naman nangangarap kana na maging totoong fiancée ko? insultong sagot niya kay Maureen.
Huh! Nangangarap ako sir? sabay turo pa ni Maureen ng daliri niya sa sarili niya. Para sabihin ko sayo sir wala akong balak na pangarapin ka na maging fiancé ko dahil wala sa katangian mo ang lahat ng pinapangarap ko sa isang lalaki kaya’t bakit naman ako magsasayang ng oras para pangarapin ka lang?
Talaga bang hindi mo ako pinapangarap? Eh bakit ginagapang mo ako pag lasing ako at sinasamantala mo ang kalasingan ko para matikman mo lang ang katawan ko?
Anong pinagsasabi mong ginagapang kita? Mahiya-hiya ka nga sir sa mga pinagsasabi mo, kahit kalian hindi kita ginapang, ikaw ang na nanamantala pag lasing ka dahil pinipilit mo akong may mangyari sa atin. Inis niyang sagot dito.
Pinipilit kita owws , eh bakit sa tuwing magigising ako sa umaga nagmamadali kang lumabas o kaya wala kana sa kuwarto ko? sige nga sabihin mo sakin kung pinipilit kita bakit ikaw ang laging hindi makaharap sakin ng maayos.
Oo na ginagapang na kita sir, masaya kanaba sa narinig mo?. Sagot niya kay Glazer na may nakakalukong ngiti sa labi niya para maasar ito sa kanya.
Naiinis kasi siya sa halimaw na ito, ako pa ang pinapalabas niyang naglalaway sa kanya samantalang siya naman ang laging gumagawa ng unang hakbang para may mangyari sa kanialang dalawa.
Edi umamin ka din, ang dami mo pang palusot pero gawain mo naman pala. Ilang lalaki naba ang nagapang mo paglasing at bihasa kana sa ginagawa mo?
Ngumisi si Maureen sa narinig niya parang nasanay na siya sa mga pang-iinsulto ninto sa kanya, kaya kahit masaktan siya sa mga sinasabi ninto ay kailangan nalang tanggapin ng tanggapin dahil wala rin naman siyang magagawa kung sasagutin pa niya ang mga pang-iinsulto ninto sa kanya.
Oh! Bakit nakangisi ka diyan naaalala mo ba ang mga lalaki mo kaya natutuwa ka? Tanong ni Glazer na may pagkainis sa tono ng bose ninto.
Parang ganun na nga sir. sagot na mapang-asar ni Maureen sa tanong ni Glazer.
Bwisit! bakit nasarapan kaba sa unang pinatikim ko sayo kaya gumagawa kana ng paraan para maulit ulit ang natikman mo?
Kahit kailan ay hindi ako nasarapan sa ginawa mo sakin, nangdidiri pa nga ako sa sarili ko dahil pakiramdam ko’y wala na akong pinagkaiba sa babaeng bayaran. Gustong gusto niyang isagot kay Glazer ang mga salitang iyon ngunit parang pipi siyang natahimik nalang at pinipigilang niyang pumatak ang mga luha niyang namumuo sa kanyang mga mata.
Ano! Hindi mo ba ako sasagutin? Saka hinawakan ni Glazer ang baba niya.
Hindi ko naman po sir ginagawa ang ibinibingtang mo sakin, alam mo naman po sir na malinis pa ako ng makuha mo kaya wala po akong lakas ng loob na magpagamit sa ibang lalaki. Sagot niya dito saka hindi na niya napigilan ang pagpatak ng mga luha niya.
Ipinapamukha mo ba sa akin na ako ang may kasalanan kung bakit nasira ang p********e mo? Galit na tanong niya kay Maureen
Kung ano man ang nangyayari sayo ngayon ay deserved mo iyang matanggap galit na salita niya kay Maureen
Kaya ba sir ako ang pinakilala mong Fiancee mo ngayon kay Mr. Blossom para ako sumalo ng lahat ng galit niya at hindi ang totoo mong girlfriend tanong ni Maureen na lumuluha.
Tama ka sa sinabi mo dahil kung sakaling may gawing masama sayo si Mr Blossom ay wala akong paki alam sayo Hindi ka naman mahalaga para panghinayangan ko isa kalang basahan sa buhay ko na kailangang ipagkuskos sa mga dumi kaya kung ano man ang gagawin sayo ni Mr Blossom wala na ako doon. nakangising salita ni Glazer kay Maureen
Kung ganon sir ang plano mo hindi na rin ako magpapanggap na Fiancee mo sa harap ni Mr Blossom sasabihin ko sa kanya na pinilit mo lang akong magpanggap at sasabihin ko din na ang totoo mong girlfriend ay ang nurse sa hospital na pinagtratrabahoan mo> madiin na pagkasabi ni Maureen kay Glazer