Chapter 19

1127 Words
Biglang natigilan si Glazer sa sinabi ni Maureen, paano niya nalaman na ang girlfriend niyang si Eunice ay nurse sa hospital? Sinusundan ba ako ninto pag-umaalis kaya nalaman niyang ang girlfriend ko ay isang nurse? Tanong niya sa isip niya habang nakatutok lang ang tingin niya sa mukha ni Maureen. Nakita niyang natigilan si Glazer sa sinabi niya kaya medyo napangiti siya dito. Hindi naman talaga niya alam kung sino ang girlfriend ninto, nasabi lang niya iyon kanina dahil naisip lang niya ang babaeng nakita niya sa canteen na kasama nintong kumain noong bumili siya ng pagkain. Nagbabakasakali lang siya na ito ang girlfriend niya ngunit hindi nga siya nagkamali sa hula niya dahil natigilan ito ng sabihin niya ang nurse sa hospital. May panlaban na siya sa halimaw na ito pag-pinilit pa ninto ang gusto nintong mangyari, halos magdiwang ang puso niya sa isiping iyon. Ngunit natigil ang kasahan niya ng makita niyang dumilim ang anyo ng mukha ni Glazer. Sige subukan mo ako Maureen sa oras na mapahamak si Eunice ng dahil sayo, sisiguraduhin kung ang pinakamamahal mong ama ay mapapahamak din sa mga kamay ko. saka binitawan niya ang pagkakahawak sa baba ni Maureen. huwag mong idamay ang papa ko sa usapan natin dahil hindi siya dapat madamay sa g**o natin. Sagot na galit niya kay Glazer. Puwes huwag mo rin idamay si Eunice dito dahil ayukong magulo ang buhay niya. Hahaha…….. tawa ni Maureen , ayaw mong magulo ang buhay niya sir pero ako subrang ginugulo mo na ang buhay ko hindi lang basta ginugulo pinang papain mo pa ako sa mga gulong pinapasok mo nakakalukong sagot ni Maureen kay Glazer. Bakit may halaga ba ang buhay mo? Para sakin ang basahang katulad mo ay walang halaga kaya dapat lang sayong gawing pain para magkaroon ng pakinabang sa mundo. Kung ang tingin mo sa akin ay walang kuwenta, Sige! tatanggapin ko ang lahat ng gusto mong gawin sakin, huwag mo lang saktan ang papa ko, pero ito ang sasabihin ko sayo sir darating ang panahon na pagsisisihan mo ang lahat ng ito dahil hindi natutulog ang karma sa kagaya mong masamang tao. Galit na sagot niya kay Glazer. Karma….hahahahaha….tawang sagot ni Glazer kay Maureen. Kung may kakarmahin man dito hindi ako iyon kundi ikaw dahil sa walang kuwenta mong ama kaya ang karma niyang matatanggap sana ay sayo napunta. Nakalukong sagot ni Glazer sa kanya. At bakit naman kakarmahin ang papa ko? at para sabihin ko sayo mabait na tao ang papa ko kaya walang puwang sa kanya ang karmang sinasabi mo. Hindi na napigilan ni Glazer ang galit niya sa sinasagot sa kanya ni Maureen. Gusto na niya itong sampalin pero nagtitimpi siya dahil halos ang lahat ng tao sa loob ng restaurant ay nakatingin na sa kanilang dalawa. Kaya tumayo siya saka hinawakan niya ang braso ni Maureen at pakaladkad na hinatak niya ito papunta sa mallit na office niya sa may second floor ng restaurant niya. Pagpasok nila sa office niya ay pabalibag niyang inihagis si Maureen sa maliit na sofa saka ini lock niya ang pinto ng office niya. Ngayon Maureen ilabas mo lahat ng tapang mo! Galit na bulyaw niya rito saka hinawakan niya ang buhok ninto saka pasabunot na iniharap niya ang mukha ni Maureen sa kanya. Slap malakas na sampal ng palad niya ang lumapat sa pisngi ni Maureen. Nanggigigil siya ng husto dito kanina pinipigilan lang niya ang sarili niya dahil maraming tao pero ngayon hindi na niya mapigil pa ang galit niya. Ang lakas ng loob mong sagutin ako kanina ha! Para sabihin ko sayong basahang babae ka wala kang maipagmamalaki sa akin dahil isa kalang basura na pinulot ko sa basurahan kaya’t huwag na huwag mo akong sasagutin na parang nagmamataas kapa. Dahil kaya kong gawing ang lahat para maging miserable ang buhay mo pati ng ama mo. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko galit na tanong niya kay Maureen habang nang lilisik ang kanyang mga mata na nakatingin sa mukha ninto. Kung alam ko lang sa una na magiging impyerno ang buhay ko sa mga kamay mo hindi ko na sana tinanggap ang tulong na inalok mo sakin, dahil mas pipiliin ko nalang na ibenta ang sarili kong katawan kaysa naman maging alila ng taong walang pusong katulad mo. Lumuluhang sagot ni Maureen. Ah! Mas pipiliin mo pang ibenta ang katawan mo kaysa mag-lingkod sa akin, sabagay maganda ka pwedeng pagkakitaan ang ganda mo , nakangising salita niya kay Maureen. Anong gagawin mo sakin? Nahihintakutang tanong niya kay Glazer. Huwag kang mag-alala baby maliligayahan ka sa gagawin ko sayo. Siguradong mabilis mong mababayaran ang utang mo sakin sa ipapagawa ko sayo. Wala ka talagang puso sinasamantala mo ang kahinaan ko para makuha mo lahat ng gusto mo. Sagot ni Maureen na may takot pa rin sa boses niya. Wala talaga akong puso kaya kahit anong makaawa mo'y hindi ako makikinig sayo. Kaya kung ako sayo sumunod ka nalang na parang aso sa lahat ng gusto ko, dahil pag hindi ka sumunod sa lahat ng gusto ko siguradong hindi magtatagal ang buhay ng wala mong kuwentang ama, kahit pa na operahan ko na siya ay kaya ko paring gawing malala ang kalagayan niya. Kaya't itatak mo iyan sa makitid mong kokote. Huwag mong gagalawin ang papa ko, pag ginalaw mo ang papa ko gagawa ako ng paraan para magbayad ka sa lahat ng kasalanan mo sakin. At ipapakulong kita. Ows.. ipapakulong mo ako? Sino naman ang maniniwala sa katulad mo na isang anak ng ex convict? Sa tingin mo paniniwaan ka nila pag-isinuplong mo ako. Hahahaha…sabay halakhak ni Glazer. Natigilan si Maureen sa sinabi ni Glazer. Paano niyang nalaman na nakulong ang papa ko? pina imbestigahan ba niya ang background ko kaya nalaman niyang ex convict ang papa ko? tanong ni Maureen sa isip niya habang pumapatak pa rin ang mga luha niya sa kanyang mga mata. Bakit wala kang masabi Maureen? Dahil totoo ang sinabi ko na ang wala mong kuwentang ama ay isang mamamatay tao mas masahol pa siya sa isang asong ulol. Salita ni Glazer sa galit na galit ang boses ninto. Huwag mong husgahan ang papa ko wala siyang kasalanan, napagbintangan lang siya sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Sagot niya kay Glazer na hindi na niya napigil ang paghagulhol ng iyak. Walang kasalanan? Pagkatapos ng lahat ng ginawa niyang pagpatay wala pa rin siyang kasalan? Iyan ba ang itinatak niya sa makitid mong kokote? Wala siyang kasalanan? Bulyaw na sagot niya kay Maureen. Bakit mo ba pilit na hinuhusgahan ang papa ko sa kasalanan na hindi naman niya ginawa? Samantalang wala ka naman alam sa nangyari. Sagot niya madiin kay Glazer. Bakit hindi ko huhusgahan ang taong pumatay sa mga magulang ko? galit na sagot niya kay Maureen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD