Anung ibig mong sabihin na tungkol sa aming dalawa ang pag-uusapan natin ngayon Mr. Blossom? Nagugulohang tanong ni Glazer.
Oh! Nariyan na pala si Olga, nakangiting bulalas ni Mr. Blossom na hindi manlang pinansin ang tanong Glazer. Hija magmadali ka! Kanina pa nandito si Mr. Casion, ikaw nalang ang iniintay upang makapagsimula na tayo ng ating pag-uusapan.
Masayang umupo si Olga sa tabi Glazer bakas sa kanyang mukha ang lubos na kasayahan.
Kamusta kana darling? Maarting tanong ninto kay Glazer, ngunit ng hindi siya nakuha ng sagot kay Glazer ay ngumiti nalang siya ng bahagya.
Bueno narito na rin naman na si Olga simulan na natin ang mahalagang pagkakasunduan nating tatlo. Putol na salita ni Mr. Blossom sa katahimikan.
Anong ibig mong sabihin Mr. Blosson na ating mahalagang pagkakasunduan? Kung tungkol naman ito sa ating negosyo ay wala kanaman dapat ikabahala dahil napapatakbo naman ito ng ayos at iyong ating pinagkasunduan noong nakaraan na bagong bubuksang negosyo ay inaayos na ng aking secretary ang mga dapat ayusin upang sa lalong madaling panahon ay masimulan na ito, kaya’t wala na tayong dapat pang pag-usapan na mahalaga sa ating negosyo. Sagot ni Glazer na halata pa rin sa boses niya ang pagkalito.
Well! Mr. Casion hindi sa negosyo ang ating pag-uusapan ito ay tungkol sa inyong dalawa ng apo kung si Olg. At saka hijo simula pala sa araw na ito huwag mo na akong tatawaging Mr. Blossom. Itawag muna sa akin ngayon ay lolo.
What? Nagbibiro po ba kayo Mr. Blossom ? bakit ko naman po kayo tatawing lolo eh wala naman na po kaming koneksyon ni Olga ngayon?
Well! Darling simula ngayon ay magkakaroon na tayo ng panghabang buhay na koneksyon sa isa’t-isa kaya ngayon palang ay sanayin mo nang tawagin na lolo ang lolo ko. diba lolo tama ako sabay ngisi ni Olga ng idako niya ang tingin niya sa lolo niya.
Tama si Olga, Glazer dahil nais kung pakasalan mo ang apo kung si Olga sa lalong madaling panahon, direktang salita ni Mr. Blossom kay Glazer.
Bakit ko naman pakasalan si Olga Mr. Blossom? Wala na akong pag mamahal sa kanya at matagal ng natapos ang lahat sa amin noon, saka mayroon na akong girlfriend ngayon at hindi ko ipagpapalit ang girlfriend ko sa kahit na sinong babae. Sagot ni Glazer na may pagkainis sa boses niya.
Iyon ang gusto kong mangyari hijo!, kaya wala kang magagawa sa gusto kung mangyari.
At bakit naman ako walang magagawa Mr. Blossom. Galit na sagot ni Glazer.
Dahil pag hindi mo sinunod ang gusto ko ay pababagsakin ko lahat ng negosyo mo, babawin ko ang lahat ng share ko sa lahat ng kompanya mo at hihilahin kita pababa para wala ng matira sayo, pati ang pagka doctor mo’y kaya kong sirain, kaya mamili ka pakakasalan mo ang apo kung si Olga o mawawala ang lahat ng naipondar mo,pati ng mga magulang mo? Maotoridad na salita ni Mr. Blossom kay Glazer.
Darling kung ako sayo pumayag ka nalang sa gusto ng lolo ko kaysa naman mawala pa ang lahat sayo, saka hindi naman ako mahirap pakisamahan dahil nagsama na tayo noon kaya ano pang kinatatakot mo sakin, kung iniisip mo ang girlfriend mo ngayon palang ipaalam mo na sa kanya na hiwalayan ka na niya dahil alam mo naman na mahirap akong magselos. Nakangising salita ni Olga kay Glazer.
Hindi ako tanga para iwaman ko ang girlfriend ko para lang magpakasal sayo dahil alam ko na ang ikot ng bituka mo. Naiinis na sagot ni Glazer kay Olga.
Kung hindi mo papakasalan ang apo ko? pag-isipan mo rin kung anong mangyayari sa kompanya mo kaya hijo magpasya ka kung ano ang gusto mong piliin, nasa sayo iyan! Pag-isipan mo aantayin ko ang sagot mo bukas. Malumanay na salita ni Mr. Blossom kay Glazer.
Saka hindi na rin kami magtatagal aalis na rin kami ng apo ko, total nasabi ko na rin naman ang dapat kong sabihin sa iyo ngayon, kaya pag-isipan mong mabuti hijo.
Sinundan nalang ni Glazer ng tingin ang papaalis na sina Mr. Blossom at Olga, bago lumakad si Olga ay nginitian pa siya ninto ng nakakaluko na pinapamukha pa sa kanya na wala siyang magagawa kundi sumunod sa gusto ninto.
Nang tuluyan ng mawala sa paningin niya sina Olga at mr. Blossom ay napasabunot siya sa buhok niya parang sasabog ang isip niya sa pag-iisip hindi niya alam kung anong pipiliin niya dahil naiipit siya. Kilala niya si Mr. Blossom may isang salita ito kung ano ang sinabi ninto ay gagawin ninto, kaya pag pinili niyang pakasalan si Olga hindi mawawala sa kanya ang mga pinaghirapan niyang negosyo at ang hospital na ala-ala sa kanya ng mga magulang niya. Pero pagnangyari naman na iyon, masasaktan niya ang girlfriend niyang si Eunice at ayaw rin niyang mangyari na maghiwalay sila ninto dahil mahal na mahal niya ito.
Subrang bigat na nang dinadala niyang problema ngayon kaya tinawagan niya ang kaibigan niyang si Xandern , upang ayain itong uminom sa pag-aari nintong bar, hindi naman siya nabigo sa pag-aya ditong uminom. Tinawagan din ni Xandern ang mga kaibigan nilang sina Kevin at Drick upang lalong maging enjoy ang pag-iinuman nilang magkakaibigan.
Hoy! Brad parang ayaw mo na kaming painumin ng alak? Halos puno lagi ang lagay mo sa baso mo! Naku! Brad baka malunod kana niyan sa alak. Birong salita ni Kevin kay Glazer.
Oo nga brad nagkakaganyan ka lang naman pag may problema ka. Seryosong sabat ni Drick.
Malamang may problema nga iyan kasi huling nagkaganyan iyan noong nakita niya ang taxi driver na nakabangga sa mga magulang niya tapos, hindi na ulit iyon, nagyon na lang ulit. Salita sumasang-ayon ni Xandern sa kaibigan nilang si Drick.
Brad kung may problema ka nandito lang kaming tropa mo handa kaming making sa mga drama mo sa buhay. Sabat ni Kevin na sinabayan pa ng paghagalpak ng tawa. Hahaha…………..
Ikaw talaga Kevin kahit kailan puro ka kalokohan, eh ano nga bang problema mo brad? Nagbreak ba kayo ni Eunice kaya nagkakaganyan ka? Tanong ni Xandern kay Glazer.
Hindi kami nagbreak ni Eunice. Matipid na sagot ni Glazer.
Eh anong problema mo kung hindi kayo nagbreak ni Eunice?sabay sabay na tanong nina Xandern,Drick at Kevin.
Gusto ni Mr. Blossom pakasalan ko si Olga sa lalong madaling panahon.
Ano! pakakasalan si Olga? Sabay ulit na tanong ng tatlo kay Glazer.
Bumalik na pala ulit si Olga kailan pa brad? Tanong ni Xndern na halata sa boses ninto ang pagkagulat.
Hindi ko alam kung kailan siya bumalik dito sa Castler city, matamlay na sagot ni Glazer.
Anong plano mo brad ngayon? Paano si Eunice pag pinakasalan mo si Olga? Tanong ni Drick na halatang nalulungkot din sa sitwasyon ng kaibigan niyang si Glazer.
Hay! Naku mga brad huwag na muna natin isipin iyan nandito tayo para magsaya at para makalimot si Glazer sa problema niya kaya mag-inom nalang tayo. Cheers sabay taas ng baso ni Kevin.
Ganon nga ang nangyari halos malunod sila sa kakainom ng alak magkakaibigan lasing na lasing na sila ng maghiwa-hiwalay magkakaibigan.
Malakas na busina ng sasakyan ang gumising sa pagkakatulog ni Maureen , agad siyang tumayo para buksan ang gate.
Pagbukas ng gate ay agad pinaandar ni Glazer ang kotse niya papasok, dahil sa hindi maayos na pagmamaneho niya ay nasagi ng kotse niya si Maureen , agad siyang huminto pagkapasok ng sasakyan niya sa gate at tiningnan niya si Maureen sa side mirror ng sasakyan niya ng makita niyang bumagsak ito ay agad siyang lumabas ng sasakyan niya at nag-aalalang pinuntahan niya ito.