Chapter 12

1058 Words
Hindi na naka-galaw si Glazer sa kinatatayuan niya parang bumilis ang ikot ng mundo sa kanya, sinusundan lang niya ng tingin ang papasok na si Mr. Blossom at ang kasama nintong si Olga, parang may kung anong alalahanin ang gumugulo sa isip niya ng mga sandaling iyon, bakit kasama ni Mr. Blossom ang apo niyang si Olga ngayon? Ano ang mahalagang sasabihin sa akin ni Mr. Blossom at kailangan pa niyang isama si Olga sa meeting naming dalawa? Naguguluhang tanong niya sa kanyang sarili. Honey, hoy! Honey basag ni Eunice sa pagkatulala ni Glazer, habang tiningnan niya ang direksyon ng pinupukosan ninto ng tingin, nakita niya ang isang matandang lalaki na may kasamang isang babaeng naka suot ng mamahaling kulay pulang cocktail dress naka high heel sandals din ito ng pula na animo super model kung maglakad ito, subrang sexy ninto sa suot niya na lalong lumutang ang kagandahan ninto. Honey sexy din naman ako at maganda , pagnagsuot din ba ako ng ganyang kasuotan ay matutulala ka rin tumingin sakin? Biro niyang tanong kay Glazer habang hindi rin nawawala ang tingin niya sa babaeng nakapasok na sa restaurant at lumilinga linga na wari’y may hinahanap ang mga mata ninto. Hinawakan ni Glazer ang kamay ni Eunice at saka nagmamadali niyang niyaya itong lumabas na sila sa restaurant ,hindi niya pinansin ang biro ninto sa kanya, wala siyang panahon makipagbiruan dahil naguguluhan ang isip niya ngayon. Naguguluhang sumunod si Eunice sa paglakad ni Glazer , biglang nag-iba ang kinikilos ninto, ang kaninang masayang mukha ninto ay napalitan ng hindi maipaliwanag na hitsura, sino ba ang matandang lalaking iyon at seksing babae bakit nag-iba ang hitsura niya ng makita niya ang mga ito?. Tanong ni Eunice sa isip niya. Lalo pa siyang nagtaka ng mapansin niyang papunta sila ni Glazer sa kusina. Honey akalako ba’y ihahatid mo na ako sa hospital bakit papunta tayo sa kusina? Hindi naman diyan ang exit ng restaurant, baka pagalitan tayo ng may-ari ng restaurant na ito pag-pumasok tayo diyan? Tanong niya kay Glazer na bahagyang pinipigilan pa niya ito sa paglakad. Pwede ba honey huwag kanang maraming tanong bilisan mo nalang ang paglakad mo at may meeting pa akong nag-aantay. Sagot niyang walang ka gana-gana kay Eunice. Hindi nalang umimik si Eunice sa sagot ni Glazer sa kanya. Napa-kunot noo si Eunice ng batiin sila ni Glazer ng mga empleyado na nasa kusina bahagya pang yumuko ang mga ito para magbigay galang sa kanilang dalawa. Ano bang pagkatao meron ang boyfriend niya bakit ganito siya galangin ng mga empleyado dito. Hindi naman binabanggit sa kanya ni Glazer na pag-aari ninto ang restaurant na iyon. Sabi niya sa akin ang restaurant na ito ay pag-aari ni doctor Xandern na kaibigan nintong doctor din . kung kay doctor Xandern itong restaurant na ito bakit ang galang sa kanya ng mga empleyado dito. Hindi kaya kilalang-kilala na siya dito dahil kaibigan niya ang may-ari ninto tanong ni Eunice ulit sa isip niya saka napailing nalang siya sa isiping iyon. Nang nakasakay na sila sa kotse ni Glazer ay hindi mapigilan ni Eunice na magtanong kay Glazer kung bakit sila sa kusina dumaan paglabas. Pero hindi umimik si Glazer sa tanong niyang iyon naka focus lang ito sa pag-mamaneho ng sasakayan niya. Hindi nalang siya kumibo hanggang maihatid siya ninto sa hospital, pagkahatid sa kanya ni Glazer ay nag-paalam agad ito sa kanya, nanibago siya sa pagpapaalam ninto dahil wala manlang itong ganang nag-paalam sa kanya. Nagtataka man siya sa ikinikilos ninto ay inunawa nalang niya ito para hindi sila magkaroon ng tampuhan nagkasintahan. Ang nasa parking lot na ng restaurant si Glazer ay nag-aalangan pa rin siyang bumaba ng kotse niya, hindi mawala sa isip niya si Mr. Blossom bakit kasama ninto ang apo nintong si Olga hindi kaya nagkataon lang na nagkita sila dito sa restaurant ? At sabay silang pumasok kanina, hindi naman alam ni Olga na pagmamay-ari ko ang restaurant na ito, alam ko mahilig si Olga na kumain sa mamahaling restaurant kahit breakfast lang ay gusto nintong sa restaurant pa rin kumakain. Baka nga nagkataon lang na nagkita sila dito ni Mr. Blossom. Gosh Glazer ayusin mo nga ang sarili mo. Masyadong business minded si Mr. Blossom at si Olga naman ay wala paki-alam sa mga negosyo nila kaya wala ka dapat ikabahala Glazer salita niya sa sarili at bahagya pa niyang isinabunot ang mga daliri ng kamay niya sa kanyang buhok , saka bumuntong hiniga siya ng malalim relax ka lang Glazer humarap ka ng professional kaw Mr. Blossom, ayusin mo ang sarili mo, kausap niya sa sarili niya. Saka nagpasya na siyang bumaba ng kotse niya upang pumasok na sa restaurant at makipag meeting na kay Mr. Blossom. Pinilit ni Glazer na alisin ang gumugulo sa isip niya at bahagya siyang ngumiti para mabawasan ang pangamba niya, pagpasok niya sa restaurant ay natanaw niya si Mr. Blossom na naka upo sa may pinaka sulok ng restaurant sa madalas na pinupuwestohan nilang dalawa pag-nagmemeting sila, bahagyang lumapad ang ngiti niya ng makita niyang mag-isa lang na naka upo doon si Mr. Blossom hindi ninto kasama si Olga, kaya agad siyang lumapit dito. Nang makalapit na siya ay malugod niyang binati si Mr. Blossom at kinamayan niya ito, saka umupo na siya sa tapat ninto. Kamusta Mr. Blossom? bungad ni Glazer ng naka-upo na siya sa harap ninto. Okey lang ako, Mr. Casion pormal na tugon sa kanya ni Mr. Blosso. Before anything else Mr. Blossm, what do want coffee or tea? Salamat nalang Mr. Casion katapos ko lang mag kape. Sagot ni Mr. Blossom na sinabayan pa ninto ng banayad na pag-ngiti. Kung ganon Mr. Blossom maaari na nating pag-usapan ang mahalagang sasabihin mo ngayon sa akin? Sinabi kasi sakin ni Sofia na kaya mo daw ako pinapatawag ngayon dahil may mahalaga kang sasabihin sa akin? Nakangiting tanong ni Glazer kay Mr. Blossom. Tama ka Mr. Casion subrang mahalaga ang sasabihin ko sayo ngayon, ngunit bago tayo magsimula’y kailangan muna nating antayin ang apo kung si Olga, nagpaalam lang siya sandali upang magtungo sa comfort room . seryosong sagot ni Mr. Blossom kay Glazer. Pero bakit po kailangang kasama natin si Olga sa ating meeting ngayon Mr. Blossom? Nagtatakang tanong ni Glazer. Dahil tungkol sa inyong dalawa ni Olga ang ating pag-uusapan ngayon Mr. Casion. Sagot na matipid ni Mr. Blossom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD