C H A N Maaga ulit akong nagising ngunit mas maagang nagising sa akin si Miguel. Pagmulat ko pa lang ng mga mata ay wala na ito sa aming kama kaya hindi pa man ako nakakapaghilamos ay dali-dali na akong bumaba. Naabutan ko siya sa kusina na nagluluto na. Kaya bagsak ang balikat kong naglakad papunta sa upuang nasa hapag. "You're awake," sabi nito nang mapansin akong nakaupo na sa upuan. Bumuntonghininga ako at inaantok na tumingin sa kaniya. Balak ko pa naman sanang ipagluto ulit siya dahil ngayon ang araw ng anniversary namin. Hindi ko na nga nagawang tanungin kung ano ang gusto niya kahapon dahil naging abala ako sa dami ng mga assignments na ginawa ko. Tapos ngayon ay hindi ko pa siya magagawang ipagluto dahil mas nauna pa siyang gumising sa akin. "Sana hinintay mo na lang akong m

