C H A N Kinakabahan akong lumabas ng condo namin ni Miguel. Pinatay ko lang ang lahat ng puwedeng mag-cause ng sunog at tinakpan ko ang pagkaing niluto ko bago ko ito iniwan. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang maghanap. Kanina ko pa rin tinatawagan si Miguel at hindi na makontak ang cellphone nito. Parati na lang; cannot be reached. Please try again later! Nakakainis na iyang babaeng nagsasalita, kapag iyan nakita ko sasabunutan ko talaga. Binalikan kong tawagan si Kitty nang nasa labas na ako ng condo building at naghihintay ng masasakyang taxi. Mabilis namang sinagot ni Kitty ang tawag. "Hello, nasaan ka?" tanong ko sa kaniya at saktong may humintong taxi sa harapan ko kaya agad na akong sumakay roon. "Pumunta ka sa restaurant na ite-text ko sa 'yo, nando'n si Miguel." Agad

