C H A N After ng mga gulatan moments kanina hanggang sa panghihila netong bakulaw na 'to sa akin ay dito kami napadpad sa bukirin. Nakasilong kami sa lilim ng isang puno habang nakatanaw sa mga magsasaka na umaani ng palay. Tahimik lang akong nag-iisip ng mga nalaman ko kanina. Kung magtatampo ba ako dahil hindi sinabi sa akin ni Papa ang lahat? Kung magagalit ba ako dahil ginamit lang ako nitong si Miguel para pagtakpan ang kasalanan niya? Hindi ko alam! Ang alam ko lang lahat ng ito ay may rason na dapat kong intindihin, pero bakit hindi nila sabihin ang dahilan? Naguguluhan ako! "Anong iniisip mo?" Tumingin ako rito at ibinalik ulit ang tingin sa malawak na bukid. Katabi ko itong nakaupo sa ugat nitong puno, pero may space parin sa pagitan naming dalawa na sakto lang para maabo

