C H A N Nasa balcony ako nitong guest room ng kanilang mansyon dito sa hacienda. Nakapagpalit narin ako ng damit na hiniram niya sa kanyang kapatid na ngayon ko lang din nalamang may kapatid pala ito. Pagdating kasi namin dito sa mansyon nila dito sa loob ng hacienda daw nila. May iilang katulong lang ang gising na nagbukas sa amin. Tulog na daw ang kanyang mga magulang. Nakatanaw ako sa labas, sa kalangitan. Ang daming mga bituin sa langit dahil nga sa nasa probinsya kami. Napakasarap rin ng simoy ng hangin dahil walang polusyon sa hangin rito, 'di katulad sa syudad na napupuno ng mga sasakyan na nagbubuga ng usok kaya hindi sariwa ang hangin na nalalanghap. "Sana lang hindi ako babagsak sa mga subjects ko neto dahil sa lalaking iyon, e" Sabi ko. Pumasok na ako sa loob ng kuwarto da

