C H A N "Bakit parang kilala ka ng halos staff rito? Simula sa parking area na nakapag park pa tayo sa VIP pati dito sa loob," Kanina pa iyan nagtatanong magmula nung nakapasok kami dito sa loob at dumiretso dito sa loob ng isang restaurant. Lahat nga kasi ng staff ay binabati ako kapag nakikita nila ako at tiningnan nila itong kasama ko dahil siguro kilala rin nila ito. Famous siya, e. Nakaupo na kami at hinihintay nalang namin si Ate dahil sabi nito ay papunta na raw siya. "Gusto mo bang malaman kung bakit?" Tanong ko sa kanya. Nasa harap ko siya nakapuwesto at nakatingin lang ito sa akin na kanina pa nagtataka ang itsura. "Naman. Baka mamaya dati kang nagtatrabaho dito tapos gumawa ka ng kasalanan like nagnakaw ka?" Napailing naman ako. Hindi ako makapaniwala na hanggang ngayo

