Chapter 15

1546 Words

C H A N Napatagal ata iyong kuwentuhan namin ni Liam–iyon na raw ang itatawag ko sa kanya. Hindi namin namalayan iyong oras kaya tumayo na ako't nagpaalam. "Salamat sa pagkain," sabi ko habang nasa harap na kami nang pinto ng condo ni Miguel. "You're welcome. Next time, I'll cook for you." Nagliwanag naman ang mukha ko. "Talaga? May next time pa?" sabi ko. "Yup." Tumango-tango ito. Hindi ko maiwasang hindi kiligin. Iyong may nararamdaman kang paru+paru sa tiyan mo? Ikaw ba naman iimbatahan ulit ng isang gwapong mabait na lalaki ay hindi ka matutuwa? Napatingin kami sa harap ng pinto nang bumukas ito at nagulat ako ng si Miguel ang bumungad sa amin. Akala ko kasi ay hindi pa ito nakakauwi. "Mukhang nagkakasiyahan kayo?" Sarcastic ba iyong tono ng pananalita niya o guni-guni ko lang?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD