"Paano kung sabihin ko sa'yo na malakas ang kutob ko na may kinalaman ang kwintas na suot ko sa pagkakaligtas sa atin noon." Nakatunganga lamang ako ngayon habang tinitingnan si Nero na ganadong-ganado sa pag-eehersisyo. Habang ako naman ay wala ng ginawa. Tumi-tiyempo lang ako ngayon upang mapag-usapan namin ang dapat naming pag-usapan ngayon. Isa na roon ay ang tungkol sa pinaplano ng ama nito para sa kanilang dalawa ni Silver. Speaking of Silver, kanina kasi ay maaga akong nagising at napagpasyahan kong lumabas upang magpahangin sana. Siguro ay mga bandang alas-kwatro y medya palang noong lumabas ako sa kwarto at magpunta sa pinaka-tuktok nitong kuta. May parang asotea (tambayan) kasi ang lugar na ito. Gagamit ka lang ng parang de-motor na elevator upang mapuntahan iyon. Wala ring iban

