Literal na bumukas ang bunganga ko dahil sa gulat. Hindi kinaya ng puso ko ang ganoong atake niya sa akin. Binibiro niya ba ako o totohanan na 'yan kasi nalilito na ako sa mga gan'yang pahiwatig niya. Wala ako sa sarili na sumunod sa kan'ya habang naglalakad. Mukhang tutungo kami sa isang maliit na pinto na siyang nakita ko kanina sa pagpasok ko pa lang. Nawala 'yong kaba na kanina ko pang nararamdaman. Napalitan iyon ng kilig at itong kakaibang pintig sa puso. 'Yong pintig na hindi para sa takot o ano pa man. Pintig na nagpapahiwatig ng isang pag-ibig! Naku naman, kung kailan ako napunta sa ibang mundo ay ngayon pa umarangkada 'yong love life ko. Bente-nuwebe anyos na ako pero para pa rin akong dalagita kung makaasta ngayon. Hindi na ako nakapag-tanong pa sa lalaki tungkol sa sinabi nito

