Hindi ko mapigilan ang mainis at mag-padyak ng paa dahil sa nalaman ko. Wala pa lang sapat na impormasyon si Nero tungkol sa lulusubin naming mga kalaban. Pakiramdam ko ay para na rin naming inihain ang aming mga sarili sa kapahamakan. Paano ba naman kasi, kahit ang lugar kung nasaan ang lungga ng mga gangsters ay hindi pala alam ng lalaki. Kanina pa kami naglalakad dito sa labas at pakiwari ko ay naliligaw na kami. "Ano ba 'to! Ang dami namang pader," rinig kong angal ni Nero. Dahil sa sinabi nito ay mas lalo akong nainis sa kan'ya. Gusto ko siyang tirisin at isilid sa sako. Kanina pa siya angal nang angal. Akala ko pa naman ay maayos ang magiging takbo ng aming misyon. Akala ko talaga ay lahat ay nasa plano na. Ang walang hiya! Impromptu naman pala ang gusto ng lalaking 'to. Anong ting

