Naalimpungatan ako dahil sa ingay ng paligid ko. Hindi ko alam kung ilang oras na ako nakakatulog. Nang buksan ko ang aking mata ay tumambad sa paningin ko ang likod ni Nero. Nakatalikod ang lalaki habang pinupunasan nito ng basahan ang mga dala nitong sandata. Marahan akong bumangon mula sa pagkakahiga at isinandal ang aking katawan sa ulunan ng kama. Tahimik lang akong nagmamasid sa kan'ya habang seryoso ito sa ginagawa. Hindi ko alam kung napansin niya ba ang presensya ko dahil hindi naman ito lumingon sa gawi ko. "Hindi magiging madali ang misyon natin ngayon," biglang saad ni Nero. Nakatalikod pa rin siya sa akin habang nagsasalita. "Hindi kita mababantayan at hindi ko garantisado ang kaligtasan mo," dagdag pa nito. Kahit hindi niya na sabihin iyan ay alam ko na. Ngunit wala naman

