Hawak-hawak ni Nero ang aking kamay habang baybay namin ang may may kadiliman na dalampasigan. Halos hindi ako magkaroon ng konsentrasyon sa aking paglalakad dahil sa panay lang ang titig ko sa mahigpit nitong hawak sa kamay ko. Tila ba pinaparating nito sa akin na kahit ano mang mangyari ay ililigtas niya ako. Maka-ilang ulit ako natapilok at muntik na mabuwal dahil sa kaba. "N-Nero? 'Yong kamay ko," mahinang bulong ko rito. Napatigil sa paglalakad ang lalaki at gulat na napatingin sa kamay naming magkasalikop. Sabay kaming napaiwas ng tingin sa isa't isa. Animo mga dalaga't binata na nagkakahiyaan. Tumikhim ang lalaki atsaka nagsalita dahilan kung kaya't napalingon ako muli sa gawi nito. "T-tayo na," kinakabahan na pagkakasabi nito. Tumango ako at muling naglakad. Nasa likuran ako

