"Pasensya na at magulo ang bahay." Hindi ko na narinig pa ang ibang sinabi no'ng tiyahin ni Nero sapagkat agad ding nakuha ang aking atensyon sa mga kakaibang kagamitan nito sa loob ng bahay. Pagpasok namin sa lagusan na bigla na lamang lumitaw sa harap namin ay sinalubong kami ng isang may kaliitan na bahay-kubo. Pagpasok namin ay nakita ko ang iba't ibang kulay ng mga kandila na siyang itinirik nito sa maliit na altar nito. May mga libro rin sa maliit na aklatan nito mga iba't ibang uri ng mga bato na siyang una mong makikitang nakasabit sa pinto. Magulo naman talaga ang bahay nito. May mga nagkalat na mga papel at panulat sa lamesa. Nakalimutan kong manunulat pala ang tiyahin ni Nero. Umupo kami sa isang bakanteng upuan sa harap ng maliit na lamesa nito at sabay kami ni Nero napalin

