Hanggang ngayon ay laman pa rin ng isip ko ang mga pangyayaring nakalimutan ko no'ng isang araw. Pilit kong inaalala pero kahit pigain ko pa ng pigain ang utak ko ay wala ni isa mang impormasyon akong nakuha. Nalilito ako, papaano ko naman nagawa iyon kay Chito? Ni hindi nga ako makasipa nang malakas dahil masyado akong kulang sa energy. Hindi ako pala-excercise at hindi rin ako marunong mangarate. Puro pagtambay lang sa kwarto ang alam ko kaya palaisipan pa rin sa'kin hanggang ngayon kung paano ko siya nabugbog.
"Lara! Lumabas ka riyan at tayo'y dadalaw roon kina Gorya!" sigaw ni tiya.
Kinakabahan ako dahil dadalawin namin ngayon si Chito sa bahay nila. Hindi naman ito na-admit sa hospital. Nagtamo lang ito ng mga minor injuries kaya nakalabas agad. Kada hakbang ng paa ko ay parang may kadenang nakakabit doon. Mabibigat na lakad ang ginagawa ko marahil na rin siguro sa kaba at takot. Ito kasi 'yong unang beses na nasangkot ako sa ganitong gulo.
"Umayos ka nga riyan Lara! Naku bata ka! Mabuti na lang at naareglo natin sila kundi dagdag problema na naman," sermon ni tiya sa'kin. Naglalakad lang kami patungo sa bahay nila Chito at nasa likuran lang niya ako. Panay ito kakasermon sa'kin at kagabi pa ako nito tinatanong kung ano talaga nangyari.
Hindi ako tinigilan ni tiya kagabi at halos mabingi na naman ako sa kakasermon nito. Bakit daw ako nambububog ng lalaki. At papaano ko raw nagawa iyon? Ni masinagan nga lang ng araw ang katawan ko ay nahihilo na paano ko raw nagawang mambubugbog at anong dahilan ko. Sunod-sunod ang mga tanong niya at kahit isa ay wala akong nasagot.
"Snatcher! Tulong!" sigaw ng isang babae. Nasa unahan namin ito at biglang napaupo sa kalsada ang babae nang tangayin ang bag nitong dala.
"Iha! Por Dios, Por Santo!" Dali-daling nilapitan ni tiya ang babae na nakaupo na sa kalsada. Pinatayo ito ni tiya at inalalayan.
"Ang bag ko," iyak ng babae. "Pambili ng gamot ng anak ko ang perang nasa bag na 'yon," hagulhol nito.
Sa may kalayuan ay nakita ko pa ang lalaking nagdukot sa bag niya. Tumatakbo ito papalayo sa kinaroroonan namin. Naaawa ako pero ano namang magagawa ko? Simpleng tao lang ako, I'm ain't a superhero. Kulang ako sa dugo kaya madali akong mahilo. Kahit na gusto ko siyang tulungan, imposibleng mangyari iyon. Pero ilang saglit lang ay naramdaman ko na naman iyong kakaibang init sa katawan ko. Mula sa paa hanggang sa itaas na bahagi ng katawan ko naglalakbay ang init na hindi ko mawari kung anong dahilan. Hanggang sa naramdaman kong naipon lahat ng init na iyon sa mga mata ko.
"Target locked on!" bulong ko sa aking isip nang makita ko 'yung snatcher na lumiko sa isang eskinita.
Parang may sariling isip ang mga paa ko na kusa na lang tumakbo. Parang ang gaan ng katawan ko at parang nakasakay lang ako sa ulap habang mabilis na hinahabol ang snatcher. Ang tanging nasa isip ko lamang ngayon ay ang makuha ang bag at maibalik iyon sa may-ari. Mabuti na lang at hindi napansin ni tiya na wala pala ako sa tabi nito. Busy kasi ito sa pag-alalay sa babaeng nanakawan. Walang habas ako sa pagtakbo at muntik pa akong masagasaan nang truck ng bigla akong tumalon ng pagkataas-taas at pumatong sa ibabaw niyon. Biglang tumigil naman ang truck at napa-preno ito nang mabilis kaya halos tumalsik na ako nang huminto iyon. Nagsigawan ang mga tao at may ibang namangha sa ginawa ko. Mabuti na lang talaga at naka-hoodie na naman ako ngayon kaya wala ni sinuman sa'kin ang nakakakilala.
Patalon akong bumaba sa bubong ng truck at pumikit ako habang mabilis na tumatakbo. Kabisado ko kasi kung saan lumiko iyong snatcher kaya ang ginagawa ko ay minomonitor kung ang galaw nito sa isip ko. Parang nagkaroon ako bigla ng photographic memory dahil may kung ano-ano akong nakikita sa isip ko habang nakapikit. Kitang-kita ko kung paano tumakbo ang snatcher sa daan na ito at kung saan ito lumusot. Nang ibukas ko ang mga mata ko ay naramdaman kong may kakaibang nangyayari roon. Pakiramdam ko ay parang nag-iba ang kulay niyon. Hindi ko lang makumpirma dahil ko nakikita. Lahat ng taong nadadaanan ko ay namamangha sa ginagawa kong pagtakbo at sa pag-iwas ko sa mga bagay-bagay na nakakasalubong ko.
Muntik pa ako matamaan ng flower pot mula sa itaas kung hindi ko lang iyon sinipa kaya nabasag ito at hindi dumirekta sa ulo ko. Kamuntik na rin ako bumangga sa kariton na puno ng basura buti na lang mabilis 'yong reflex action ko at paikot akong umiwas sa kariton.
"Whoah! Ang galing niyo po!" sigaw ng bata. Siya kasi 'yong nagtutulak ng kariton at namangha siya sa nakita niya kung paano ko iwasan ang kariton nitong tulak.
Sumaludo lang ako at ngumiti sa kan'ya at nagpatuloy pa rin sa pagtakbo. Nang makita ko sa may dulo ng pader ang lalaking hinahabol ko. May tatlong lalaki na itong kasama at akmang bubuksan na sana ang bag nang babae kanina nang bigla akong nagsalita.
"Pst!" tawag pansin ko sa kanila.
Lumingon ang apat na lalaki. Sa tingin ko ay nasa edad 16-20 pa. Lahat sila ay napako ang tingin sa'king kinaroroonan. Nakasandig ako sa isang poste habang tinitignan sila.
"Si-sino ka?!" sigaw nang snatcher sa'kin.
Ngumisi naman ako at naglakad nang dahan-dahan sa kinaroroonan nila.
"Umalis ka rito kung ayaw mong masaktan!" saad nang isang kasamahan nila. Sabay-sabay silang naglabas ng patalim at itinutok iyon sa'kin. Kahit na nasa ganito akong kalagayan. Hindi ako makaramdam ng takot at kaba taliwas sa nararanasan ko araw-araw na kahit ang simpleng paglabas ng bahay ay pinagpapawisan pa ako at nanginginig dahil sa hiya at takot.
"Akin muna 'yong bag," mahina kong tugon. "Ibigay niyo sa'kin 'yan dahil hindi naman sa inyo 'yan!"
"Ano kami? Sira?!" sigaw no'ng isa.
"Umalis ka rito kung hindi papatulan ka na talaga namin!"
"Ayaw niyo talagang ibigay?" tanong ko.
Umiling-iling silang lahat ay nagsitawanan. Nairita ako bigla at kusa nalang lumipad ang paa ko sa mukha no'ng isang lalaki sa harap ko. Biglang napaatras ang tatlo pa at nagulat ito nang makita ang kasamahan nilang nakabulagta na sa semento, tulog at wala nang malay.
"Putcha! Si Baldo napuruhan!"
Biglang nagkaroon ng tensyon sa pagitan namin at isa-isa na silang sumulong sa'kin hawak-hawak ang patalim sa kamay. Pursigido silang masaksak ako at kitang-kita ko ang galit sa kanilang mga mata. Biglang kung anong enerhiya ang dumaloy na naman sa katawan ko at parang may anong nabuhay roon sa kaloob-looban ko. Gusto kong makakita ng dugo! Gusto ko nang dugo! Iyan lamang ang natatanging nasa isip ko ngayon. Ang kasiyahan na makakita ng pagdanak ng dugo. I don't know what's wrong with me pero gusto kong maamoy ang sariwang dugo na dumadaloy sa katawan ng mga lalaking ito. Mas lalo akong ginanahan at isa-isa ko silang pinagsisisipa.
Akmang sasaksakin na ako patalikod no'ng isa nang makita ko siya sa peripheral view ko at madali kong nasangga ang kamay nito at pinaikot iyon hanggang sa napaluhod ito sa sakit at nabitawan ang patalim na hawak.
"Arghhhh!" sigaw nito.
"Sigaw pa! Sumigaw ka pa. Mas ginaganahan pa ako!" bulong ko sa lalaki at bigla na lang itong napaluha.
"Bitawan niyo ho ako parang awa niyo na! Arghh! Tulong John," pagmamakaawa nito sa dalawang kasamahan niya na nasa harap lang namin at pinanonood lang kami.
Sabay itong napaatras nang diniinan ko pa ang hawak sa kamay nito. Kongting-konti na lang at alam kong pwede ko nang mabali ang kamay nitong lalaking hawak ko.
"Ibibigay niyo sa'kin ang bag o dadanak ang dugo rito?" mala-demonyo kong tanong sa kanila.
"Ibigay niyo putcha! Mamamatay ako rito!"
Nagkatinginan ang dalawang lalaki at nanginginig na hinagis ang bag sa harap ko.
"Good boys!" masayang ani ko naman at binitawan ang kamay nang lalaki at pinulot ang bag. "Sa susunod na mahuli ko kayong apat na mangdudukot uli, hindi lang iyan ang gagawin ko," saad ko at nginitian sila. "See yah boys!" At umalis na ako sa harapan nila. Nakatago pa rin ang mukha ko dahil sa tulong nitong malaking hoodie na suot ko.
Patakbo akong umalis at kitang-kita ko kung paanong umilaw ang suot kong kwintas. Napansin kong umiilaw ito ng pula habang papalayo na ako sa kanila.
Kasabay ng pagkawala ng ilaw ng kwintas ko ay ang pagtigil ko sa pagtakbo. Halos lumaki ang mata ko nang mapagtantong may hawak na akong bag at inaabot ko iyon sa babaeng umiiyak sa harapan ko. Gulat akong napatingin sa kamay kong nakaangat at may bitbit na bag at bigla na lang umiyak ang babae at patalong yinakap ako habang ako naman ay nalilito lamang nakatingin sa kawalan. "Ano na namang nangyari?" tanong ng isip ko.