"Bakit ba kasi tayo gumagapang dito?" Hindi ko na napigilan magtanong kay Nero nang tahakin namin itong makipot na daan. Hindi ko na rin nagawang iwan ang lalaki rito dahil hindi kaya ng konsensya ko kapag naiisip ko na pinabayaan ko siya. Atsaka nasa katawan ko siya. Sinisiguro ko lang at baka may gagawin na naman itong kababalaghan. Ingat na ingat pa naman akong alagaan itong katawan niya tapos 'yong sa akin ay hindi ko man lang nakita na may konting pag-iingat siya sa tuwing nasasabak kami sa ganitong delikado na sitwasyon. "Hindi mo ba p'wedeng itikom 'yang bibig mo?!" Nakatalikod si Nero sa akin habang gumagapang kami sa lupa. May mga maliliit na bato at buhangin akong nagagapangan kaya umaangal na ako. Sino ba naman ang hindi? Ang sakit at hapdi na ng tuhod ko at kanina pa kami gum

