"Hindi naman p'wedeng kayo-kayo lang ang magsaya rito." Sabay kaming napalingon lahat sa lalaking kadarating lamang. Nakasandal ito sa malaking pinto habang may hawak na remote control sa kamay. Ang hinuha ko ay para iyon sa pinto at may biglang pumasok ang isang ideya sa ulo ko. Pwede kaming ma-trap dito kung magtatagal pa kami. May hawak na remote control si Sky at kaya niyang kontrolin ang pagbubukas at pagkasira ng pinto nitong kwarto kung saan kami naroroon. Kung gugustuhin nito ay walang makakalabas sa amin dito. Napatingin ako sa lalaking kanina lamang ay tinawag ni Nero na X. Kahit nahihirapan akong lumingon dahil sa nakatutok nitong espada sa leeg ko ay nilakasan ko ang aking loob. May suot na itim na maskara ang lalaki habang sa may likod naman nito ay naaninag ko ang pigura ng

