Namataan ko na lamang ang sarili ko na nakatunganga sa katawang nasa harap ko. Hindi kaya ng isipan ko ang panunumbalik ng kinatatakutan ko. Naramdaman ko na lamang ang pagyapos ng isang tao sa balikat ko ang pagtumba namin sa sahig. Nakita ko ang galit na mga mata ni Nero. Habang tinititigan ko ang mga mata nito ay nalito naman ko kung bakit nakayakap ngayon ang lalaki sa akin at kung bakit sa salubong na naman ang mga kilay nito. "N-Nero?" nagtataka na tanong ko. "Anong ginagawa mo? Huwag mong sabihin na na-iinlove ka na sa akin?" tanong ko pa. "Tumahimik ka nga babae." Sinundan ko ang mga tingin nito at nakita ko sa harapan namin ang demonyong bata na si Annika. Nakangiwi siya ngayon habang kumakain pa rin ng lollipop. Nagulat pa ako nang bigla na lamang lumipad ang patalim nito pab

