Matagal ng nababalot ng misteryo ang puso't isipan ko. Noon pa man ay nais ko ng matuklasan ang lihim na bumabalot sa kwintas na siyang bigay sa akin ni Papa. Kahit ipagkaila ko man sa aking sarili ay alam kong hindi ko madadaya ang katotohanan na hindi lamang hamak na normal na kwintas ang siyang lagi kong suot. Sa tuwing nalalagay ako sa kapahamakan ay laging may tumutulong sa akin. Laging may gumagabay. Pakiramdam ay may laging nakabantay sa mga kilos ko. At may kung anong enerhiya ang pumapasok sa katawan ko na nagagawa kong posible ang mga bagay na noon ay malabong mangyari. Alam ko naman noon at hindi lingid sa kaalaman ko ang pagdududa ni Tiya sa Papa ko. Masyado pa akong bata upang maintindihan ang pinupunto ng tiyahin noon at kahit noong lumaki na ako ay lagi ko iyong iwinawaksi

