Sabay kaming naglakad ni Nero palabas na parang wala lang nangyari. Si Nero na para lang namamasyal habang ako ay hindi na mapakali. Hindi naman sa sinasabi ko na hindi pinaniwalaan ang sinabi niya sa akin tungkol sa ginawa nito kay Annika pero nananaig pa rin sa puso ko ang pag-aalala. "Pst? Sungit!" tawag atensyon ko sa kan'ya. Bahagya itong lumingon sa gawi ko habang may blangko na ekspresyon ang mukha. Naglalakad kami sa hagdanan na tila ba wala kaming inaalala na mga kalaban. Prenteng-prente ang pagmumukha nito at nababahala ako. "Bakit ba?" masungit nitong tanong sa akin. Bahagya pa akong napaatras dahil sa tono nito. "A-ano k-kasi, okay lang ba talaga si Annika?" nauutal kong tanong sa kan'ya. "Sa palagay mo ay nagsisinungaling ako ngayon?" seryosong tanong nito sa akin hab

