Chapter 25 AGATHA… “SAAN KA pupunta ate?” tanong sa akin ni Alisa nang palabas na ako ng kwarto. Kapapasok niya pa lang, alam ko kung anong pinag-usapan nila sa labas kanina nang makapasok na ako sa loob ng kwarto. Hindi na naman nag-iisip ang drama king na si Keiran, kung ano-ano na naman lumabas sa bibig niya. “Matulog ka na lang pwede,” sabi ko sa kanya. May dala akong mga unan at kumot, babalikan ko ang comforter na ilalatag ko para may mahigaan si Keiran sa sala. “Uy! Si Ate nagdadalaga na,” panunukso ni Alisa sa akin. Iyong palabas na sana ako ng kwarto ay napabalik ako sa tabi ng kapatid ko para kurutin siya sa singit niya. “Hindi porke’t twenty-one ka na makakalagpas na sa akin itong ginawa mo. sabi ni Mommy may outing kayong magkakaibigan sa Tagaytay hindi ang magba-bar k

