CHAPTER 26 KEIRAN… “PAPASOK SI Demeter sa loob ng sindikato bilang isang probinsyanang makukuha nila para ibenta.” Ani Alpha sa magiging set-up namin. Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Alpha na mission ni Agatha, pero hindi ako nagsalita. Kailangan na marinig ko muna ang buong plano na inilalatag sa amin ni Alpha para sa mission na ito. “Magkasama si Demeter at Athena sa magiging mission na ‘to, habang si Hermes at Hades naman ang papasok sa loob ng sindikato bilang bagong member nila. Si Hermes bilang bagong tuta ng mga boss, at si Hades bilang bugaw ng sindikato sa mga mayayaman na prokyano. And Poseidon will come into the picture when the time Hades is inside the syndicate group at magpapanggap na interesadong bumili ng mga babaeng ibinebenta ng sindikato.” Pagpapatuloy naman ni For

