Chapter 27 AGATHA… GIGIL NA GIGIL si Keiran habang nagbubukas siya ng pintuan. Mula sa pagpasok pa lang ng bahay hanggang sa pagbubukas ng pintuan sa may kwarto niya. Pero ako playing cool lang, though parang nakakaramdam ako ng takot at kaunting kaba sa inaasal ni Keiran. Kasalanan ko ba na mainggit ako sa kanya, I know mali ako doon. Pero alam naman ni Keiran na tomboy ako—matagal na. At alam niya rin na sa babae ako attracted, kaya hindi malabong ganito ang maging reaction ko. Hindi naman kumibo si Keiran habang panay ang kilos niya, naglabas siya ng maleta—dalawa. Tapos nagpunta siya sa walk-in closet niya at ang labas ng mga gamit nito. Inilapag niya lang sa may kama ang mga kinuha niyang gamit niya sunod bumalik ito sa walk-in closet. Sa paglabas niya ulit mga gamit ko na ang dala

