After our conversation, I found myself so worried and anxious. I know it was a big trouble. Pero nanatili pa din ako rito. Naguguluhan na ako— hindi ako mapag-isip ng pwede kong gawin.
Marcious looked so problematic. Hindi ko naman siya masisi. He is too protective— he doesn't want me to hurt or anything. Kaya niyang makipagbasag ulo para sa'kin. Kaya minsan naiinis ako sa kanya pero ayaw niya akong nakikitang nababastos or sinasaktan.
When were college— ang daming gustong manligaw sa'kin pero kahit isa sa kanila walang gustong si Marcious. It was awkward, asking him that kind of conversation. Kasi tutal lalaki siya— hinayaan ko siyang kilatisin nga ito.
Pero iba na ngayon. Kaibigan niya si Sebastian at malaking gulo ito. Kahit pinaliliwanag ko ang lahat sa kanya mukhang hindi siya natutuwa. Kaya mina-manifest ko na lang sana— walang kahit anong gulo ang mangyari.
Ayokong mag-away na naman sila. Baka bigla na lang akong mahimatay kung mangyayari iyon ulit.Gusto niya akong isama pauwi pero tumanggi ako.
Kasi alam kong iuuwi din ako ni Sebastian. Kahit nag-aalangan ako alam kong hindi naman ako niloloko ni Sebastian. I trust him— I do not know why. Pero kasi pakiramdam ko— all the things, he has done for me, was so sincere.
Ngayon nandito ako sa kwarto at sila nasa sala. Gustuhin ko mang sumama pero hindi sila pumayag. Pero nangako naman si Sebastian sa'kin na walang kahit anong gusto ang mangyayari sa kanila. Kaya kahit kabado ako, alam kong hindi nila gagawin iyon.
Pero iyong nga kaibigan niya lahat sila may sapak sa ulo— pero malala si Jaden. Ang ingay niya, hindi halata sa pagkatao niya.
Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Kaya naman napaayos ako ng upo. At tinignan ko ito, he gave me a smiled.
"K-kumusta?" mahinang usal ko rito. Hindi ito kumibo bagkus ay naglakas ito papalapit sa'kin.
At mabilis na binagsak ang katawan sa kama. Ginawa niyang unan ang mga hita ko. Para akong nanigaw sa kita uupuan ko dahil sa ginawa niya.
"S-Sebastian." muli kong usal rito. I'm getting intense.
"Yes, Honey." malambing na usal nito sa'kin. Nakatitig lang ako sa likudan nito, siniksik nito ang mukha sa gawing tyan ko. Kaya ramdam ko ang init na paghinga nito na tumatagos tela ng damit ko.
"Sabi ko kumusta?" kalmado kong usal sa kanya.
"Okay naman. Hindi kami nag away, Honey. Promise." bahagya akong tinignan nito. At marahan hinalikan ang tiyan ko kaya naman napatampal ako sa balikat nito.
"Sebastian, ano ba!" tumaas ang boses ko rito. I felt his moving— dahil sa pagtawa niya.
"I want to hug you— very much, Honey. Gusto ko lagi ka sa bisig ko." seryosong tinig nito — ngunit nagsusumamo ang tinig nito sa'kin.
Parang may kung anong sumabog sa tiyan ko. I felt something moving around.
"S-Sebastian, kung ano-ano sinasabi mo." suway ko rito. I'm getting invested. Hindi pwede iyon— pero kaya ko bang iwasan talaga.
Nanatili lang kami sa ganoong posisyon. He is comfortable in my laps.
"I really want to be your side." simpleng usal nito pero ang laki ng epekto sa'kin.
Gustuhin ko man magsalita pero wala na akong lakas. Parang nauubusan na ako ng salita, at kasabay nito ang panunuyot ng lalamunan ko.
Ang daming tanong sa utak ko, but I cannot put into words. I felt his weight. Nakatulog na siguro siya, kaya tahimik lang ako habang nakatingin lang sa kanya.
Nag-alangan akong hawakan siya. Marahan kong sinuklay ang buhok niya. Nabibingi tuloy ako dahil sa katahimikan. Sabay nito ang mga bumabagabag sa puso ko. Pakiramdam ko ang daming pwedeng mangyari.
Gumalaw ito, akala ko gising siya pero mabilis itong umayos ng higa at kinulong ako sa bisig niya. Ramdam ko ang kabog ng dibdib nito. Nawalan ako ng lakas na pumalag sa kanya.
"Let's sleep together, Honey." dahil doon para akong hinihila ng antok.
Siniksik ko ang mukha ko sa dibdib nito. At naging musika sa tenga ko ang kabog ng dibdib niya. Nakatulog ako sa bisig niya. I really find peace at his arms.
When I woke up. Wala akong naabutan na Sebastian, at nakaramdam din ako ng pagkalam ng sikmura dahil doon. Nang bumangon ako, ilang minuto akong nakatulala sa kawalan.
Saan kaya nagpunta iyong lalaki na iyon?Bakit ko nga ba gustong alamin kung saan? Dapat ba alam ko?
Para akong nasanay kasi nagpapaalam siya tuwing aalis siya. Kaya naiinis ako sa sarili ko dahil pakiramdam ko. No, stop that.
Nagpunta akong kusina, pero hindi ko naabutan si Athalie doon.
"Nasaan kaya si Athalie?"
Hinanap ko muna siya, at wala din siya sa kwarto nila. At huling pinuntahan ang laundry area, at doon ko siya naabutan. Nakatayo ito sa harapan ng washing machine habang nakatingin sa kawalan.
Kaya marahan ko siyang nilapitan at kinalabit. Para siyang tinakasan ng kaluluwa dahil sa naging reaksyon nito. Nanlalaki ang mga mata nito na humarap sa'kin.
"A-Ate, ikaw pala iyan." saad nito. She looked so nervous.
"Oo, sorry natakot yata kita." mabilis naman itong umiling dahil sa ginawa ko.
Umayos naman ito ng tayo at para siyang nabawi na dahil sa gulat nita. She looked still intense.
"Hindi naman, Ate." saad nito sa'kin.
Tumango naman ako. "Aayain sana kita kumain." sabi ko rito.
"Sige, Ate. Mamaya ko ito ituloy." sabi nito sa'kin.
"Let me help you later." sabi ko rito.
Mabilis naman itong umiling sa sinabi ko. "Huwag na, Ate. Kaya ko naman." pagkukumbinsi niya sa'kin.
Pero hindi ako pumayag at sa huli um-oo na lang siya. Kaya nagtungo na kami sa kusina para kumain. Ako na ang napresitang maghain at siya naman ang kumuha ng mga plato na gagamitin namin.
"Nasaan pala si Sebastian?" tanong ko rito.
"Nasa kwadra yata sila Kuya Seb. Hindi ba nagpaalam sayo?" umiling ako. Pero bigla akong natigilan dahil doon.
Teka! bakit ko nga na tinatanong pa kung saan iyong lalaking iyon? Kumalma ka nga, Sierra! Parang dapat tuloy magpaalam siya sa'kin, na pupunta sila doon.
"Nag-aya yata si Jaden doon." dagdag nito sa'kin.
Napatango na lamang ako rito. Pero napaisip ko. Baka doon naman sila mag-away, kasi baka iniisip nila nandito ako para di ko malaman. Sinasabi ko lang talaga babangasan ko sila kung babalik sila dito ng may sapak sa mukha.
Nang makatapos kaming kumain. Nagpababa lang kami ng kinain ng ilang minuto bago ko kami maglaba. Nagtataka pa din siya kung bakit ang dami kong alam sa gawaing bahay. Kasi nga anak mayaman ako. Pero nagkakamali siya.
Natuto ako sa gawaing bahay dahil kay Nanay Selly, dahil sa kakulitan ko. Nagingialam ako sa kanya tuwing naglilinis sila ng bahay. Kahit ilang beses niya akong pinagagalitan na huwag na akong mangialam. Pero kasi--- wala din naman ako gagawin noon kaya pinipilit ko siyang patulungin ako. At dahil doon inaasar ako ni Saina. Bagay daw sa'kin ang mga ginagawa ko. Kaysa naman sa ginagawa niyang kaartehan sa buhay.
Nang teenager na ako-- pagluluto naman ang ginusto kong matutunan. Dahil nga hindi naman ako napapansin ng sarili kong Papa bahay. I'm standing by my own feet. Kaya ako na naghahanda sa sarili ko tuwing busy si Nanay.
We're done. Sumakit ang likudan ko dahil doon. Kaya naman, I stretched my arms to feel the sounds of my bones. At kahit pa-paano nakaramdam ako ng kaginhawaan.
Napalingon naman ako dahil habang papunta ako sa hagdan, sabay nito ang pagpasok nila Sebastian.
"Ang bobo mo kasi— kung kay Sebastian tayo tumaya hindi sana tayo natalo ng 100."
"Tanga mo din. Sino ba sa'tin ang nagsabing kay Marcious tayo tumaya? Hindi ba ikaw. Sino sa'tin ang bobo? Ikaw iyon hindi ako."
"Bobo ka din.. Bakit ka sumunod?"
"Huwag na kayong mag-away.. Kasi ako nagwagi." Jaden proudly said it. Humalakhak pa ito— he sounds like evil.
Napakunot naman ako sa pinag-uusapan nila. I suspected sa ginawa nila sa kwarda. Nagsuntukan kaya sila doon, pero wala silang pasa. Bagkus may putik ang mga dami nito. Hindi naman sila mukhang mga galit, at kaya pakiramdam ko hindi naman sila nag-away.
Nang makita nila ako, nakangiti iyong tatlo sa'kin pero si Sebastian at Marcious seryos lang nakatingin sa'kin.
"So, you are Sierra. I knew it-- you are so beautiful." saad nito sa'kin. I didn't know if it was a compliment or not. It sounds cringe to me. "By the way, I'm the most yummy and handsome attorney in town, Percy." masayang usal nito. Nilahad nito ang kamay sa'kin. Tinignan ko lang ito at iniisip ko kung tatanggapin ko ba.
Pero dahil nakakahiya naman sa kanya. Nakipagkamay na lang ako. Pero nagtataka pa din ako dahil kilala niya ako.
"Huwag kang naniniwala dyan." saad ng nasa gilid niya. "I'm Arthur-- the most handsome and hot police of Quezon City." sabi nito.
Hayop na iyan! Hindi naman halatang mga hambog sila. Nakipagkamay din ito.
"I know you-- you know me.. Yes, you know me. I'm a handsome Jaden." maligalig usal ni Jaden. Pero imbes na matawa ako, napangiwi ako. Kaya nagtawanan ang dalawa. "Ang grabe naman ng reaksyon mo sa'kin, Miss."
I don't know— how to approach them? Pero nakaramdam ako ng pagpulot sa bewang ko, at base sa smell. I know it is him. Sa saglit ng panahon mahilig siya sa ganito.
"You are done.. Lumayo na kayo pwede ba." inis na usal nito sa mga kaibigan. His jaw is clenching. Hindi ko naman nagustuhan ang asal nito. Kaya naman siniko ko ito.
"Sebastian!" maawtoridad kong usal rito.
I heard Marcious smirks and the three laughing.
"Naku po! Nagkakaroon na ng kaalyansa si Verom sa pagiging understand." birong usal si Jaden.
I'm getting clueless because of that. "They are touching you." usal nito sa'kin.
Napailing naman ako dahil sa sinabi niya. "Ano naman?" mataray kong usal rito.
Napakamot naman ito at nagsusumamo ang mga tingin nito. Pero sinamaan ko siya ng tingin. Nag-aadik ba siya ngayon!
"Exit na tayo. Baka madamay pa tayo." sabi ni Percy.
In my peripheral vision, dahan dahan pang-naglakas iyong tatlo. Kala mo mga batang tumatakas. Kasunod nila si Marcious, pero bago ito naglakad pa-paalis.
"Umayos ka, Sebastian.." makahulugang usal nito. Tumango lang ito.
Naguguluhan tuloy ako. Bakit kaya? I'm staring at him like I'm suspecting for doing something.
"Honey, don't stare at me like that." sabi nito sa'kin.
Hinila ako nito ako sa katawan niya. At magkaharap na kaming dalawa.
"Saan kayo nagpunta? Nagsuntukan ba kayo?" seryosong usal ko rito
Umiling naman ito sa'kin. "Hindi, Honey. Nasa kwadra lang kami... We just rode horses-- and agreed to race for fun." depensa nito. Halata naamn dahil sa dumi nito.
Pero hindi pa din ako kumbinsido doon.
"Talaga?"
Muli itong tumango. "Oo naman, Honey. Promise kahit sabunutan mo pa ko tuwing sexy time na'tin." sabi nito.
Sinamaan ko siya ng tingin dahil doon at tinampal ang matabil na bibig niya. Natawa naman ito.
"Lintek na bibig iyan... Wala ng pinipili ang kahalayan mo." inis ko usal.
"Joke lang, Honey... Pero ayos lang naman sa'kin iyon." sabi nito. Kinindatan niya pa ako. Kinurot ko naman siya.
"Huwag mo kong biruin ng ganyan-- at baka ingudngod kita." seryosong usal ko rito.
He chuckles. "Sorry, Ma'am..." sabi nito sa'kin. But his eyes are still teasing me. Ang sarap nitong tusukin sa mata.
Inirapan mo siya pero hinalikan nito ang noo ko.
"Siguraduhin mo lang, Sebastian!" may diin ang paraan ng pananalita ko rito.
Umayos ito ng tayo at sumaludo pa ito.
"Yes, Ma'am..."
This will be the beginning of myself!
_______________________________________
Happy Reading beautiful people ❣️💙