Chapter 19

2000 Words
"Stop pestering me!" suway ko sa kanya. I did not know— meron din pala silang grapes dito. Hindi ako nagdalawang isip na sumama mamitas. I'm so bored, wala naman kasing gagawin sa mansion. "Honey, I'm trying to help you out." usal nito sa'kin. Nilingon ko ito at sinamaan ko siya ng tingin. Ang kulit kulit niya. Imbes na makatulong siya sa'kin hindi, he kissed me every time he saw opportunity to do it. Humaba naman ang nguso nito dahil pinagalitan ko siya. Hindi din siya kasi umalis, kaya nagpasya siyang samahan ako. Maiinis lang pala ako sa pagsama niya. "Help? Saan? Kalandian mo ka mo." galit kong usal rito. Muli kong haharapin para suwayin, when he grabbed my face again— and gives me a temple kissed. His tongue moved something— I opened my mouth, I tasted the sweet grapes. f**k! Kakaibang sarap ang dala nito! Gurl, kalma!. Napatulala naman ako sa ginawa niya. Mabilis lang halik na iyon, pero pakiramdam ko ramdam ko pa din. "Sarap ba?" napapatulala naman ako sa sinabi. Gurl! Kalma! Baka biglang bumigay ka! Nang makabawi ako— sinampal ko ang balikat nito. "Hinayupak ka talaga! Bumalik ka nga sa mansyon. Tigilan mo ko sa kalandian mo." sinamaan ko siya ng tingin, pero umiling lang ito sa'kin. Kaya hinayaan ko na lang siya. Bahala nga siya sa buhay niya! Tinalikuran ko siya, pero nanatili siya sa likudan ko. Masasakal ko talaga siya! "Honey!" malambing na usal nito. "Ano?" medyo pasigaw nag tinig ko rito. Pero natawa naman ito sa'kin. "Sungit mo naman." natatawang usal nito. "Ang kulit kulit mo kasi— paano ako matatapos dito." sabi ko rito. I heard his crisp laugh. "Sorry, may honey." akmang aabutin ko nasa bandang taas na grapes para pitasin. Matitigas niyang braso ay pumulot sa bewang ko. Imbis na mairita— naghuramentado na naman ang puso ko. "S-Sebastian." mahinang usal ko rito. Hindi ko talaga alam kung anong trip niya talaga. Mabilis din itong kumalas. "Sorry, I can't help but hug you." malambing na usal nito Napahinto naman ako pero siya na ang kusang namitas. Buong oras ng pamimitas namin, puro ka kalandian niya lang. Kahit suwayin ko siya, ayaw paawat. Jusko! para tuloy akong may bata na bantay! Hanggang ngayon, naninibago pa din ako sa ugali na pinapakita niya. He is not jolly— I know from Manila. But in his place— he is too soft and sweet. My heart is getting more flattered by his actions. Nababaliw na ako! My body responds automatically to his actions! Kinabukasan nagising ako dahil sa mga malakas na hiyaw at mga katok sa kwarto niya. "Tang-ina mo, Sebastian! Lumabas ka dyan." "Bakit nakalock kwarto mo?" doon ako naalimpungatan. Napalingon ako doon sa katabi ko. "Sebastian, lumabas ka na!" Sino ba iyon? Blurred pa ang unang tingin ko dahil sa biglang pagdilat. I saw Sebastian peacefully sleeping. Bakit parang hindi siya nabubulabog? Ang aga aga sino ba iyon? "Kagulo mong hayop ka. Kaingay ingay mo. Baka kasi natutulog pa" another man's voice. "Hayaan mo na tanga kasi siya." "Mas tanga ka! Tang-ina mo!" May nag-aaway ba? Parang lumulutang pa ang utak ko dahil sa biglaang paggising. Nagugulat ako sa mga nangyayari. Marahan kong niyugyog ang balikat ni Sebastian pero, hinila ako niyo at niyakap ng mahigpit. "Good morning, Honey." mahinang usal nito sa'kin. He kissed me on my forehead. "G-good morning... May bisita ka ata." mahinang usal ko rito. Pero niyakap lang ako nito, at doon ko nararamdaman na may kung anong tumatama sa tiyan ko. Shutamels! Wala talagang pinipiling oras ang pagiging malibog ng hayop na ito! "Hayaan mo lang sila." mahinang usal nito. Siniksik niya ang mukha sa dibdib ko. Pero tinutulak ko siya papalayo. "L-lumayo ka nga... Bumangon ka na-- at kanina pa sila sigaw ng sigaw." usal ko rito. "I don't want. I want to hug you— did you feel it?" sabi nito. Sinabunutan ko naman siya. Bahagya itong natawa dahil sa reaksyon ko. Lumayo ito sa'kin, pero nanatili ang kamay nito na nasa bewang ko. "Masakit, Honey.." reklamo nito at humaba ang nguso nito. Inirapan ko siya at tinatanggal ang kamay niya. "Sebastian!" muling sigaw mula sa labas. Tinignan ko ito na pumunta na. Kaya naman napamura ito. "Hayop talaga si Jaden." mahinang nito sa'kin na napakunot naman ang noo ko. Sino daw? Bago ito bumangon hinalikan nito labi ko. "Can I kiss you again?" Umiling ako rito at tinakpan ko ang bibig ko ng kumot. Pero ngumisi lang ito sa'kin at mabilis hinila ang kumot. He did not even give me time to react, dahil nahalikan na niya ako. "Don't be conscious, Honey... Your lips still taste like honey." malambing na usal nito. He kissed my forehead again. I felt my face turn red. Kaya mabilis akong natalukbong. Natawa naman ito sa ginawa ko. I heard his footsteps. Jusko, Gurl! Hindi na ito tama. I slowly put the blanket in my face. At hindi na ito nag-abalang magsuot ng t-shirt. Kahit ayoko magagawa ko ba. Ayaw niya din ako matulog sa ibang kwarto. Napaarte! "Bakit ang tagal mong buksan?" malakas na usal ng lalaki. Parang narinig ko na ang boses na iyon. "Anong kailangan niyo?" deretsong usal ni Sebastian dito. Pero laking gulat ko ng itulak nila ang pinto. At pare-parehas silang nagulat sa mga nakita nila. I wasn't naked or wore any lingerie. Laking gulat ko kung sino iyong mga lalaking katok ng katok at maiingay. "f**k!" mahinang usal ni Sebastian. Halos malaglag ang mga panga nito ng makita ako sa kama ng kaibigan nila. "Sierra, what the hell are you doing here?" galit na usal ni Marcious. "Putang-ina! May babae ka palang tinatago dito... Wait! Diba siya iyong babae.." sigaw ng kasama nila. I remembered that voice. Siya iyong kasama nila ni Verom. Wait! He is Jaden. Para akong ninigas ngayon sa kinauupuan ko. "I-I— " hindi ko na naituloy dahil biglang magsalita si Sebastian. "I take her home here." usal nito. Nalaglag ang panga nilang lahat. Ako naman— halos hindi ako mapakali kaiisip ng mga dapat gawin. Tapos na bibingi na ako dahil iyong puso ko nagsimula ng kumabog. "Kakaiba ka talaga, Pre." mapang-asar usal ng isa. Nanlaki ang mga mata ko ng hawain ni Marcious ang pagitan nila ni Sebastian at malakas na suntukin nito. Napako ang kinauupuan ko dahil doon. I heard the groan of Sebastian. Rinig ko naman ang malakas na sigawan ng mga lalaki kasama ni Marcious. They did not bother but instead looked like they were cheering. "Tang-ina! Anong kagaguhan ito?" halos dumagundong ang boses ni Marcious. I saw Sebastian wipe his lips, dahil dumugo ito. Doon ako natauhan kaya mabilis akong nagpunta sa kanila. Halos madapa pa ako. Naguguluhan ako kung sino ang dapat kong lapitan. Kaya nagdesisyon akong si Sebastian na lang. "A-are you okay?" usal ko rito. Tumango naman nito. Nilingon ko naman si Marcious. He looked so mad. "Pustahan tayo." mahinang usal noong Jaden. "Syempre— Sebastian ako." saad ko rito. Natawa pa ito habang pinagmamasdan ang dalawa. "Marcious ako." sabi pa ng isa at inakbayan nito si Sebastian. Tang-ina! Ano bang iniisip nila?. Imbes na awatin natutuwa pa silang nag-aaway. "I'm not done with that man, Sierra. Lumayo ka dyan pakiusap." galit na usal nito. Umiling ako. Tumayo si Sebastian at inalalayan ako. Pinagitan naman ako dahil baka manuntok siya ulit. "Honey, lumayo ka muna." malambing na usal ni Sebastian. Tang-ina, awatin nila si Marcious! "Puta— may relasyon ba kayo ni Sebastian?" deretsong saad ni Marcious. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil doon. I felt their eyes focus on me— I don't cannot formulate any thoughts to say. I'm just deafening in my heartbeat. I hardly gulped— and let my mouth speak. "A-anong bang tanong iyan?" sinubukan kong kumalma. Tumayo kami ni Sebastian at ramdam ko naman na pinulot nito ang braso niya sa bewang ko. "Tang-ina! Tanggalin mo kamay mo sa bewang ni Sierra." saad ni Marcious. "No, why would I do that?" madiin na usal ni Sebastian. Halos mag-init ang mukha ko dahil doon. Kaya naman marahan kong tinanggal ang kamay nito sa bewang ko. Kita ko ang pagkuyom ng kamay nito. Mukhang galit na siya, dahil ang talim ng paraan ng tingin ni Marcious. "Ginagago mo ba talaga ako? Sierra, lumayo ka dyan." hinawakan nito ang kamay ko. At mabilis itong tinabig ni Sebastian. Kaya halos malaglag ang panga ko dahil roon. Everything is complicated. At imbes na umawat ang mga lintek nilang kaibigan. They looked so satisfied dahil nagiging mainit na ang pagitan ni Marcious at Sebastian. "Feeling ko susuntok na si Sebastian." "Oo naman. Matapang iyong manok ko." "Hindi. Si Marcious ang makakasuntok." "Bobo ka din. Hindi nga." "Mas bobo ka." "Pwede bang lumabas muna kayong tatlo!" galit na usal ng tatlo. At para silang batang nag-unahan na nagsilbasan. Binaling nito muli ang atensyon sa'min. "What is the meaning of this, Sierra? We've been thinking where the hell you are." dinuro niya si Sebastian. "All this time... you were at his f*****g house." may diin ang bawat salita nito. I heard the smirks of Sebastian. "Yes she is here... Any problem with that." seryosong usal nito. Anong klaseng tono iyon? Talaga naman. Pini-pikon niya talaga si Marcious. "Tang-ina mo talaga." usal ni Marcious. Huminga ako ng malalim. "Pwede ba tumigil na kayo." malumanay na usal ko sa kanila. Pinisil naman ni Sebastian ang bewang ko dahil doon. Siniko naman ito kaya dumaing ito. "Sierra, umamin ka nga ano ito." sabi nito sa'kin. Tinignan ko naman si Sebastian. "Labas ka muna... Kakausapin ko lang si Marcious." tinignan ako nito na hindi siya parang. Sebastian jaw clenching by irritation. His eyes talking something— pero bahagya akong umiling. "Okay, okay.." humarap ito kay Marcious. "Lay your finger to her.. I f*****g break it." usal ni Sebastian. Mabilis ko siya kinurot sa bewang. "Ikaw ang babalian ko ng buto." sagot ni Marcious. Tumawa lang si Sebastian. At nagtitigan sila, ito na naman ang mabibigat na tensyon. Pero marahan bumitaw sa'kin si Sebastian at lumabas na. Hinarap ko naman si Marcious. Mukha itong naguguluhan sa mga nangyayari. "Marcious, let me explain." mahinang usal ko rito. Umiwas ako ng tingin dahil doon. "Yes, I need an explanation. Kasi nagtataka ako na nakatuloy ka sa isang kaibigan mo. As I remembered, you didn't even stay for so long in the house of your other friend." usal nito sa'kin. Huminga muna ako ng malalim. Paano ko ba sasabihin? Anong bang tamang salita para ipaliwanag sa kanya? "Bago ako mapunta dito.. Papa slapped me." usal ko rito. "Ano? bakit?" hindi nito maiwasan tumaas ang boses niya. "I was mad at Saina that night before we met Sebastian. Kaya nasampal ako ni Papa. Nagalit kasi ako kaya Saina dahil binili niya iyong lupa na nabili ko na. Kaya natigil ang pagpapatayo... Kaya sinugod ko siya noong gabi— kaya inawat kami ni Papa pero sa'kin siya nagalit. Kaya nagpunta ako sa bar para magpakalasing— at nagkita kami ni Sebastian doon." napatawa ako sa ginagawa kong kagagahan. "Someone flirted with me when I decided to go in the middle of the crowd. I did not care about what would happen that night. Basta gusto kong makalimot. Kaya lang, he grabbed me. Dahil wala na ako sa katinuan noon, I asked him to take me here to his house... At kaya ako nandito." kwento ko sa kanya. I gazed at him. At hindi ito makapaniwala sa ginagawa ko, kasi ako din. Masyado akong nasaktan dahil sa mga nangyari. Kaya kahit naiinis ako sa pagdala sa'kin ni Sebastian dito. Okay na din. Kasi kahit paano nakahinga ako sa lahat. "Are you out of mind?" saad nito. Tumango ako rito. "Oo sobra..." sabi ko sa kanya. Napahilamos naman ito ng mukha dahil hindi niya kinakaya ang mga ginagawa ko sa buhay. "Sierra, sa lahat pa, bakit si Sebastian?" sabi nito. "Sino ba dapat?" _______________________________________ hi ka-redears, enjoy reading and have a blessed day,❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD