Ang tagal naming sa burol at hinintay namin ang takimsilip. Nang mga oras na iyon, ramdam ko pa din ang pagwawala ng sistema ko dahil sa mga sinabi niya. Tumatagos sa pagkatao ko ang bawat salita. Tila na nawawala ang mga agam agam ko tungkol sa mga motibo niya. Pero— iniisip ko pa din na fiance siya ni Saina. Hindi ko maiwasan mainis sa bagay na iyon. Sumasakit ang puso ko tuwing iniisip ko iyon. Alam kong hindi na ito normal kasi masyado ng kakaiba ang nararamdaman ko. "Ate, nagpunta daw kayong burol ni Kuya?" bungad na tanong ni Athalie sa'kin. "Oo, ang ganda doon." sabi ko rito. Ngumiti naman ito sa'kin. "Oo sobrang ganda dun. Pero hindi pa kami nagpupunta dun." usal nito sa'kin. Napakunot naman ang noo ko dahil doon. "Anong ibig mong sabihin?" usal ko rito. Natawa naman ako.

