Chapter 22

1982 Words
Ilang beses ko siyang gusto iuntog sa malalaking bato dito sa may falls dahil sa inis ko sa kanya. Kaya imbes na ganahan akong maligo nakaupo lang ako sa cottage habang iniirapan siya. "Honey naman." usal nito sa'kin. Sinamaan ko siya ng tingin. "Itikom mo iyang bibig mo. Huwag mong painit usal ko sayo baka i-untog kita sa bato." galit kong usal rito. Napanguso naman ito sa'kin, pero ilang beses ko pa siyang inirapan. Nakita ko naman bumalik si Athalie para uminom ng tubig. Napalingon naman ito sa'kin. "Ate, hindi ka pa ba maliligo?" umiling naman ako rito. Bigla naman nagsalita si Sebastian. "Don't go near to Arthur." tumango naman si Athalie. Bigla naman akong nagtaka naman, kung bakit bawal. "Narinig kitang hayop ka." sigaw ni Arthur. "Bobo ko— malamang may tenga ka." sagot nito. Binato ko siya ng plastic cup. "Bibig mo." muli ito napanguso sa'kin. Hindi ko na siya pinansin dahil masaktan ko lang siya. Pagkaraan ng ilang minuto dumating na sila Marcious paraan kumain. "Babe, paabot nga ng lumpia." saad ni Marcious sa'kin. Akmang aabutin ko na si Sebastian ang nagbigay sa kanya. "Tigilan mo siyang katatawag ng ganoon." seryosong usal nito. Nakarinig naman ako ng pagbubuyo ng mga kasama namin. Kaya sinamaan ko ng tingin si Sebastian. Lahat na lang pinakialaman niya. Namumuro na talaga siya sa'kin. Kahit pa-paano ay tahimik kaming kumain. Kaya naman nanibago naman ako ng kaunti sa inasal ni Jaden. Kasi hindi siya nagkukwento ng kung ano ano ngayon. Matapos kaming kumain, nagpahinga lang sila ng kaunti at bumalik na sila muli sa paliligo. Inaaya naman nila ako pero tumanggi naman ako sa kanila. Nawalan na ako ng gana. Kaya pinanunuod ko na lang silang naliligo. "Honey, you can swim. Pero ganyan lang." sabi ng lalaking nasa gilid ko. "Tigilan mo ko, Sebastian." inis kong usal rito. Narinig ko naman ang pagsinghap nito. Pero hindi ko iyon pinansin dahil baka lalo akong mainis sa kanya. Hindi naman kami nagtagal doon. Dahil bago magdilim umuwi na din kami. Bigla kasi iyong pag-aaya nila kaya naman mabilis lang din kami. Pagkabalik namin. Hindi pa din nauubusan ng energy iyong dalawa. Pero si Athalie halatang pagod na. Habang ako kumalma na sa inis kay Sebastian. Dere-deretso ako sa banyo at doon na lamang naligo. At hindi ko naman naabutan si Sebastian sa loob ng kwarto, kaya bumaba na ako. Nakita ko naman prenteng nakaupo si Marcious sa sofa. Marahan naman akong lumapit sa kanya. "Hey." usal ko rito. Napalingon naman ito sa'kin. "Babe." mahinang saad nito. Umupo naman ako, hindi kalayuan sa kanya. Kaya umayos siya ng upo at tinignan ako. Simula ng magkausap kami ng dumating sila dito, hindi na ulit nasundan. Alam kong madami pa siyang gustong sabihin sa'kin noong mga araw na iyon pero alam ko hindi niya masabi sa'kin. Kung kay Sebastian naiilang ako sa tuwing nakikipagtitigan, kay Marcious parang normal lang sa'kin. Ano ba itong iniisip ko? Hindi naman sa kinukumpara ko— pero ang laki kasi ng pagkakaiba ng dalawa. Kaya pakiramdam ko may mali 'to. "You look happy?" natauhan naman ako sa bigla nitong pagsasalita. Umiwas ako ng tingin rito. "Lagi naman akong masaya." saad ko rito. Pero kita ko sa peripheral vision ko na umiling ito. "Yeah! I see you laughing— but not like what I see today." makahulugang usal nito sa'kin. Napalingon naman ako sa kanya. "What do you mean?" ngumiti ito sa'kin. Kaya naguguluhan ako sa mga gusto niyang iparating sa'kin. "I'm mad. I'm irritated... Kasi sa lahat ng pwedeng hingan mo ng tulong kaibigan ko pa." usal nito. Natawa pa ito ng bahagya. I never thought also. Kasi naman sobrang lugmok ko nung mga araw na iyon. Gusto ko lang makaalis sa lugar kung saan paulit ulit akong sinasaktan. At sa dulo siya pala ang tutulong at dadalhin niya ako sa lugar kung saan mararanasan kong kumalma. "I thought it was a random guy at the club. Pero paggising ko nandito na ako." umiwas ako ng tingin. At pinaglalaruan ko ang mga daliri ko. "Pero— I'm relieved. Kasi alam ko nasa mabuti ka napunta kahit naiinis ako sa kanya. Hindi manlang niya sinabi na nandito ka." usal nito sa'kin. I'm very grateful to have someone like him. Nag-aalala lang naman siga kaya ganoon ang naging reaksyon niya sa'kin. Kaya hindi ko siya sisi. "Ganoon ba talaga." usal ko sa kanya. Kasi ang kulit niya. At madami siyang bagay na ginagawa sa'kin na, hindi alam kung paraan saan. I heard his smirking. "He is, when you are around." usal nito sa'kin. Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Bakit ako? "Anong ibig mong sabihin?" curious kong tanong rito. "Alam kong alam mo, hindi pala ngiti iyong lalaking iyon, at hindi din siya makulit tulad ng nakikita mo." deretsang usal nito sa'kin. Kaya naman lalo akong napaisip. Ano nga bang dapat kong maramdaman dahil doon? May sinabi siya dati. Pero dapat ko bang bigyan lalo iyon ng kahulugan lalo na sa pinakikita niya. "Bakit?" usal ko rito. Kahit alam kong wala akong sagot makukuha sa kanya. "Bakit ako ang tinatanong mo?" natatawang usal nito sa'kin. "Kahit naiinis ako ngayon sa kanya. Alam kong hindi ako mag-aalala sayo dahil siya ang kasama mo ngayon. Pero kung may gagawin siyang kalokohan sayo. Hindi ako mag-aatubiling basagin ang mukha niya." seryosong ngunit malumanay na usal nito. Ang daming tumatakbo sa utak ko ngayon pagkatapos namin mag-usap. Napayakap naman ako sa sarili ko dahil sa malamig na simoy ng hangin. Kinagabihan naman, umalis na din sila dahil mga aasikasuhin. Muling tumahimik naman ang loob ng mansyon matapos nun. "Ano pinag-usapan niyo ni Marcious?" sabi ni Sebastian sa'kin. "Bakit?" usal ko rito. Bakit kaya siya curious? "Nothing, Honey." mabilis nitong hinuli ang kamay ko at pinagsaklop. Kaya naman hindi maiwasan mapako ang tingin ko doon. Parang kinuryente ang buong pagkatao ko dahil roon. At unti-unti bumibilis ang t***k ng puso ko dahil doon. Hanggang kaylan ka ito? Alam kong panandalian lang naman ito, pero bakit dumating na ako sa puntong hindi ko masyadong iniisip ang pwedeng mangyari. Tuwing hawak niya kamay ko, parang hindi ako nag-iisa. Tuwing niyayakap niya ako gumagaan lahat ng agam-agam ko. At tuwing hinahalikan niya ako, parang dinadala niya ako sa lugar kung saan magiging panatag ako. Kinabukasan, dinala niya ako sa kwadra nila. Muli magkahawak ang kamay naming dalawa. Pakiramdam ko ayaw niyang bitawan ang kamay ko. "Honey." tawag nito upang agawin ang atensyon ko. Napalingon naman ako sa kanya. "B-bakit?" sagot ko rito. "Okay ka lang?" tumango naman ako rito. "Kinakabahan ka ba?" nag-aalalang usal nito sa'kin. Umiling naman ako sa kanya. "Hindi naman. May iniisip lang ako." usal ko rito. Napakunot naman noo niya. "Sino naman?" biglang sumeryoso ang tinig nito. "Anong sino?" sabi ko rito. Porket ba may iniisip. Dapat ba tao na agad. "Yeah! Kung sinuman ang gumugulo ngayon sa isip mo gusto kong basagin ang pagmumukha niya ngayon." may diin ang pananalita nito. Napabuga naman ako ng hangin dahil sa inasal niya. Bakit ba ganoon ang reaskyon niya? Para siyang tanga. "Ewan ko sayo." inis ko usal ko rito. "I'm deadly serious." sabi nito. Kita ko sa mga tingin niya na hindi siya nagbibiro, kaya natahimik na lamang ako. Nakarating naman na kami sa kwadra ng mga kabayo ngayon. At nanatili siyang nakaalalay sa'kin. May pupuntahan daw kami. Pero wala akong ideya kung saan iyon. Kaya kahit wala akong kasiguraduhan sumama na lamang ako sa kanya. Huminto kami sa isang init na kabayo. At doon niya ako binatawan dahil hinawakan niya nito. Nanatiling kumalma ang kabayo sa bawat haplos nito. Ilan lang nasa kwadra ngayon, dahil ang iba nasa labas. "Gusto mo siyang hawakan?" bigla saad ni Sebastian. Nagsalubong naman ang tingin naming dalawa dahil doon. "H-hindi na." alangan kong usal rito. Ngumiti naman sa'kin si Sebastian. Muli nitong hinawakan ang kamay ko at inilagay nito sa mukha ng kabayo. I'm a bit nervous, kasi baka biglang magwala. Pero nanatili itong kalmado. Kahit ngayon ko lang siya nakita at nahawakan parang hindi siya natakot. Kaya napalingon ako kay Sebastian at may ngiti naman ito sa labi habang nakatingin sa'kin. "Ang ganda mo kasi kaya siya kalmado." usal nito sa'kin. Inirapan ko naman siya dahil doon. Ang soft ng balahibo na dumadampi sa palad ko. "Tigilan mo ko." mataray kong usal rito. Hinawakan naman ni ang bewang ko at bahagyang pinisil. Napairap naman ako dahil doon. "Sietan, like your touch." usal nito sa'kin. Nice name! Pero saan niya kaya nakuha iyong ganoong pangalan. Sounds familiar. Siya ang gagamitin namin ni Sebastian papunta sa lugar na sinasabi niya. Kahit pa-paano ay nawala ang kaba ko. Akala ko kasi kanina magkahiwalay kami ng sasakyang kabayo. Pero hindi pala. Sietan is calm. Kaya magiging komportable akong sumakay. Inalalayan ako ni Sebastian na sumakay. "Don't worry, Honey. Sietan, won't do anything can hurt you." usal nito sabay sakay. He is now at my back. Nakaramdam naman ako ng kunting ilang dahil doon. Ang puso kong kalmado ay unti-unti naghuhuramentado ng simula niyang hawakan ang tali at magdikit ang katawan naming dalawa. "Relax." bulong nito sa tenga ko. Parang umakyat ang dugo ko sa mukha dahil sa pagdampi ng mainit na paghinga nito. Kalma, Sierra! Diniin nito ang katawan sa'kin. Medyo nagulat ako ng magsimula maglakad si Seitan. Humihinga ako ng malalim upang pakalmahin ang puso kong nagwawala. I'm intense. Habang pabilis ang lakad naming ni Sietan, unti unti kong nakikita ang lawak ng lupain ni Sebastian. Ang ganda sa mata dahil ang bawat punong makikita namin. "Did you enjoy the view?" usal ni Sebastian sa'kin. "O-oo." mahinang ngunit alam kong rinig niya iyon. Unti-unti ng naging mabilis ang takbo ni Sietan. At mahigpit ang paraan ng pagkakahawak ni Sebastian sa'kin. I really I appreciate the beauty of it's beauty. Hindi nakakasawang puntahan ang ganito kagandang tawanin at kapaligiran. Parang gusto ko tuloy magtayo na lang ng kubo dito. Umakyat sa burol si Sietan. At nawalan ako ng oras tanungin si Sebastian kung saan kami pupunta dahil sa pagkalibang. Huminto kami sa tuktok ng burol. Unang bumaba si Sebastian. At inalalayan niya naman akong bumaba. Halos malaglag ang panga ko dahil sa magandang tanawin na bumungad sa'kin. Bandang hapon na din kasi kami pumunta kaya hindi gaano mainit. "Nagustuhan mo ba?" saad ni Sebastian. Kita ko naman sa gilid ng mata ko ang pagtabi niya sa'kin. Tumango naman ako rito. "Sobrang ganda dito." masayang usal ko rito. Kasabay nun ang pagtingin ko sa kanya. Nagtama naman ng mata naming dalawa. Napahinto ako dahil doon. His eyes and the way of his stare makes me feel intense. Parang hinahaplos nito ang puso ko. Ano nga ba ang kahulugan ng bawat tingin niyang ganito? "S-Sebastian." mahinang usal ko sa pangalan niya. Sumilay naman ang ngiti nito sa labi. "You're right! The view is majestic, and my eyes cannot take off." deretsong nakatingin ito sa'kin. Tila ba nanuyot ang lalamunan ko dahil sa tinig nito sa'kin. Marahan niyang kinuha ang kamay ko at marahan ito g pinisil. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil doon. We're on the edge of somewhere. The well groom trees— and it's greenest leaves. "Sebastian." "Yes, Honey." sabay pisil nito sa palad ko. Huminga ako ng malalim bago ako magsalita. "T-thank you for taking me here. Kahit nung una naiinis ako sayo." malumanay kong usal rito. Kahit ayokong aminin, simula ng dalhin niya ako. Nagkaroon ng peace of mind ako sa maikling panahon. A kind of life is my dream from now. Kasi ang malayo ito sa ingay ng syudad. Dito tahimik at mapayapa. Ang simpleng buhay dito ang tunay kong inaasam. "You don't have to say thank you. It's my pleasure to take you here or anywhere that could make you feel comfortable... Just tell me to run with you.. I will run together with you." sinserong usal nito. He is slowly capturing me. _______________________________________ Hi! beautiful people, happy reading❣️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD