Masyado na akong hindi makahinga sa mga nangyayari.
Ano na ba talaga ang kondisyon ng puso ko?
Ano ba talaga?
“Knock! Knock!” medyo napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang pagkatok ng kung sino man sa aking pinto.
“Yes?” sambit ko rito.
“Um, Anak,” narinig ko ang boses ni Mommy sa labas ng kwarto ko.
Naka-lock na kasi ang pinto ko kaya naman hindi na sila agad makakapasok nang basta-basta.
Tumayo naman ako at nagtungo sa pintuan ko.
Binuksan ko ang pinto at tumabad nga sa akin ang Mommy ko.
“Mom,” sambit ko rito sabay talikod nang dahan-dahan at humakbang pabalik ng kama ko.
Padapa akong humiga sabay inihilig ang ulo ko sa unan ko.
Pumasok naman si Mommy sa loob ng kwarto ko pagkatapos ay isinara niya ang pinto.
Naglakad siya palapit sa kama ko at naupo sa gilid ko.
“Anak…” haplos niya sa likuran ko.
Hindi naman ako nagsalita.
“I just want to ask if how are you,” she said.
Iniyuko ko naman ang ulo ko sa unan ko.
“Kumusta ang pagpunta ninyo ni Frolic kay Fraud?” tanong ni Mommy sa akin.
Hindi ko alam ngunit bigla ko na lang naramdaman ang mainit na likido na bumagsak mula sa mata ko at saka ako napailing kay Mommy.
“Magsisinungaling po ako kung sasabihin kong okay lang po ako,” tugon ko rito ngunit hindi pa rin ako nakatingin kay Mommy.
Hindi nagsalita si Mommy.
“Hindi po niya ako maalala, Mommy,” iyak ko na rito.
Niyakap naman ako ni Mommy habang nakadapa pa rin ako.
“Shhh…” alo niya sa akin. “Give him enough time, Ada,” she said. “Hindi naman porke’t nagkita kayo ay maaalala ka na niya agad,” saad ni Mommy. “Amnesia is not a joke.”
Napatingin naman na ako kay Mommy.
“Paano ninyo po nalaman, Mommy?” tanong ko rito.
Tinitigan naman niya akong maigi.
“Sinabi sa akin ng Daddy mo,” she said.
Napaiyak na naman ako nang maalala ko ang nangyari kanina.
“Hindi po niya ako maalala, Mommy,” iyak ko rito.
Niyakap naman ako ng Mommy ko at muling inalo.
“Shhh… I know, I know, Anak. Tama na. For the meantime, hayaan mo muna siya na makapag-isip-isip.”
“Paano po kung makalimutan na niya talaga ako?” tanong ko rito habang patuloy pa ring umiiyak.
Umiling naman si Mommy sa akin.
“Anak, hindi mangyayari iyon,” she said. “Oo, makalilimot ang utak at isip natin ngunit hindi ang puso. Maaalala at maaalala ka niya in no time,” makahulugan nitong saad sa akin.
Mas yumakap naman ako kay Mommy.
“Hanggang kailan po ako maghihintay, Mommy?” tanong ko rito.
“Walang nakakaalam, Anak, walang nakakaalam.”
“Miss na miss ko na po siya, Mommy. Miss na miss ko na po siya,” iyak ko pa rin dito.
“Shhh… Tahan na, Anak. Baka mahirapan ka na namang huminga,” paalala naman ni Mommy sa akin.
Umiyak pa rin ako kahit pinaalala na sa akin ni Mommy na tumahan na ako at baka mahirapan akong huminga.
Kung pwede nga lang ay malagutan na ako nang hininga ng sa ganoon ay mauna na ako, para wala na akong maramdamang sakit.
Ayoko na eh!
Hindi ko na kaya!
Kunin ninyo na lang ako, pwede ba iyon?
FROLIC'S POV
I woke up early because I want to fetch Adarina early.
Bakit?
Gusto ko lang.
Gusto ko lang na makita siya kaagad.
Kumain ako nang maaga.
Nag-ayos nang maaga at umalis ng bahay nang maaga.
And now I'm on my way sa bahay nila.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na ito habang binabagtas ko ang daan patungo sa bahay nila Adarina.
Ano ba kasi dapat ang maramdaman ko?
Masaya?
Malungkot?
Ano ba ang tama?
Nang makarating na ako sa labas ng bahay nila ay nag-park ako sa tapat nito pagkatapos ay bumaba ng sasakyan.
"Good morning po, manang Lucy," bati ko sa Yaya nila na nasa labas.
"Good morning din po, sir Frolic," she said as she greeted back.
Nakangiti ako.
Why?
Because I want a positive outcome.
Dapat umaga palang positive na para nadadala hanggang hapon at gabi.
At iyon naman dapat talaga ang maramdaman ko kahit na deep inside ay nasasaktan din ako.
"Ang aga ninyo po, Sir ah."
Ngumiti naman ako rito.
“Oo nga po eh. Um, Manang, si Adarina po pala gising na ba?" tanong ko.
Wala kasing kumakain sa dining area. Baka mamaya ay tulog pa.
"Ay, hindi ko pa po nakikita, Sir," Manang said dahilan para magulat naman ako.
"Po?" tanong ko rito.
"Ano po---," hindi na niya natuloy pa ang sasabihin nang may tumawag sa akin.
"Frolic…” napatingin kami ni manang Lucy sa nagsalita.
Si ma'am Safrina pala.
"Good morning po, Tita," I said as I greeted her tapos nakipagbeso-beso rito.
"Good morning din, Frolic," Tita greeted back.
"Am, Tita, si Adarina po?" tanong ko.
"Ay sorry, Frolic, pero maaga siyang nagpahatid kay mang Dindo kanina. I don't know why. Kahit nga ang Daddy niya ay nagtaka. kung bakit ang aga niyang umalis," Tita said.
Napaisip naman tuloy ako.
Hindi naman siya nagsabi na aalis siya nang maaga? I mean, na papasok siya nang maaga. Nang ganito kaaga.
"Amm, si sir Adam po?" tanong ko.
"He's taking his bath," sagot ni Tita.
"Am, ang aga naman pong pumasok ni Adarina, Tita?” tanong ko na naman dito. “She didn't mention anything lalo na po ang pagpasok niya nang maaga ngayong araw," I said.
Totoo naman kasi eh. Hindi talaga siya nagsabi sa akin. Ano ba ang malay ko? Eh hinatid ko siya kagabi na may amats pa, ‘di ba?
Hay.
"Oo nga eh, kahit ako ay nagtaka,” saad naman ni Tita, “But I know her. I guess gusto lang niyang mapag-isa at mag-isip," Tita said.
"Sa ganoon po kaaga?” tanong ko rito. “Tita naman…"
Hindi ko naman gustong maging pabalang dito ngunit hindi ko lang kasi maintindihan ang point.
"Frolic, anak, just let her muna. I know she needs this," Tita said.
Okay given. Pero she needs me. And I know it's for sure.
"Um, Tita, I'm going na po. Baka nasa office na po si Adarina," paalam ko na lang dito.
"Sige. Mabuti pa nga you follow her," Tita said.
"Okay po. Dito na po ako, Tita," I said at lumabas na pero nakipagbeso-beso muna ako ulit sign as a respect.
Sumakay na ako ng kotse at umalis na.
Tinungo ko na kaagad ang hotel at so far puro applicants ang nakikita ko dahil open ang hotel for hiring new applicants.
"Good morning, Sir," bati ng guard sa akin.
"Good morning," bati ko rin naman dito.
"Am, have you seen Ms. Torres?" tanong ko rito.
"Am, not yet, Sir," sagot naman nito.
Napamaang tuloy ako.
Not yet?! And where the hell is she?! ‘yan kaagad ang tanong ko.
"Thank you," wika ko rito.
"You're welcome, Sir," the guard said.
Naglakad na ako papuntang elevator. Pumasok at nakasalubong ko si Grace, ang secretary ni Adarina.
"Good morning, Sir," bati nito.
"Good morning, Grace," I said in return.
"Hindi ninyo po ata kasabay si Ms. Ada?" tanong nito na kinatingin ko sa kanya.
So wala rin si Ada sa office niya? ‘yan ang tanong ko.
"Um, what do you mean, Grace?" tanong ko rito.
"Po, Sir?"
"Nanggaling ka na ba sa office ni ma'am Ada mo?" tanong ko.
"Yes po, Sir. Kanina po. Naghatid na po ako ng mga pipirmahan po niyang papers," she said.
"And?"
"Wala pong tao sa office po niya," she said.
"What?!" gulat ko namang tanong dito.
"Yes, Sir. Wala po si Ms. Ada ro’n," she repeated as she insisted.
Medyo na-ra-rattle na ako.
Where is she?!
Nagbukas na ang elevator at lumabas na ako kaagad. I have to find her.
I went to my office and just leave my things unattended tapos lumabas ako para hanapin siya. I get my phone and dialed her number kaso out of coverage area.
Oh God! Where are you, Ada?!
Natutuliro na ako. Hindi niya kasi sinasagot ang phone niya.
As in hindi! At talagang hindi ko siya makontak!
Where are you?!? God!
I saw my watch. It's already 7.15 am. Parating na si sir Adam. How will I tell him na wala pa ang anak niya samantalang nauna pang umalis ‘yon kesa sa akin?
Oh God, Ada! Where the heck are you?!
Bumaba na naman ako ng elevator pero dumaan sa likod para hindi ako makita ni sir Adam kaso sana hindi ko na lang ginawa dahil biglang dumating ang sasakyan niya at nakita pa ako.
Bumusina pa ito sa akin.
"Frolic," tawag nito na binaba pa ang salamin ng sasakyan niya.
"Sir," tawag ko rin dito.
"Where are you going?" tanong nito.
Napalunok naman ako.
Anong sasabihin ko?
"Am…" kinakabahan ako.
Paano ko ba sasabihin na wala pa si Ada rito?
Paano?!
"Where is Ada? Maaga siyang umalis kanina. Nasa bahay na si Mang Dindo," sir Adam said.
Nagulat naman ako sa sinabi ni sir Adam.
Nasa bahay na nila si mang Dindo? Siya ‘yung driver nila na naghatid kay Ada ah.
"Am, S-Si-Sir…" nauutal ako.
Nag-park muna si sir Adam bago bumaba.
"Frolic, is there something wrong happened?" tanong na ni sir Adam sa akin. Pakiramdam ko ay alam na niya.
Pero paano ko ba sasabihin?
Will I tell it to him?
Lumunok na naman akong muli at saka nagsalita.
"Sir, please don't freak out," kalmado kong sabi rito.
"Okay. Tell me what happened?" tanong niya.
Pumikit ako saglit tapos dumilat din at...
"Sir, Ada's not here," I said na kinatitig sa akin ni sir Adam.
Hindi agad siya nagsalita.
Huminga naman ako nang malalim tapos nag-counterpart nang sasabihin.
"But sir, I will do anything to find her," I said.
Doon lang nagsalita si sir Adam.
"Find my daughter. I know you will," mahina niyang sabi sa akin na hinawakan pa ako sa balikat ko.
I just nodded.
Oo hahanapin ko siya. Pero saan ako magsisimula?
Nasaan ba kasi siya?
"I'm going to go, Sir," I said.
I went to my car and start the engine tapos umalis na.
Babalik ako sa kanila. Kailangan kong makausap si Mang Dindo. Alam niya kung nasaan si Ada dahil siya lang ang nag-drive rito.
Pero ng nasa bahay na nila ako ulit ay…
"Sir, bumaba po si ma'am Adarina sa isang convenient store. Sabi po niya okay na raw po siya na iwan ko dahil may kikitain daw po siyang client kaya iniwan ko na po siya," paliwanag ni mang Dindo.
Si ma'am Saf?
Wala.
Umalis.
At hindi niya dapat malaman na wala si Ada sa office.
"Mang Dindo naman po, bakit po kayo pumayag? Paano po kung napano siya?" inis kong tanong dito.
"Sorry po, Sir. Kilala ninyo naman po si Ma'am eh. ‘Pag sinabi po niya, dapat po sundin," he said.
Yes, he has a point there pero sana hindi pa rin niya iniwanan.
Nagpasama ako sa convenient store kung saan iniwan si Ada pero no signs of her.
Oh God! Ada, nasaan ka ba?! Nag-aalala na ako.
Inabot na ako ng hanggang 10 sa paghahanap pero wala pa rin.
Pumunta na nga ako kanila Nina pero wala raw si Nina ro’n dahil umuwi sa province nila.
Si Thea naman ay wala sa condo niya at nasa Tita niya.
Ahhhh! I don't know where to find her!
Where the hell is she?!
I contacted her number again kaso wala pa rin. Out of coverage area pa rin ito.
Ahhhh! Where the hell are you?! D*mm*t!
Hindi ko na alam kung saan ko pa siya pwedeng hanapin.
"Ada… Where are you?" tanong ko habang nagda-drive at palingon-lingon sa kalsada. Baka sakaling makita o mahagip siya ng mata ko na naglalakad or naka-stay sa isang place.
Napatigil ako bigla sa naisip ko.
Isang place?
Saan nga ba siya pwedeng pumunta?
Ting!
Bakit hindi ko nga ba naisip iyon kaagad?
Pinaandar ko na naman ang sasakyan ko at dumiretso sa lugar na alam kong nandoon siya.
At sana nandoon nga siya.
I hope nando’n ka, wika ko sa isip ko.