Hinatid ako ni Dark sa Hotel after naming mag-food trip sa Circle. "Thank you,” ngiti kong sabi rito nang makababa na ako ng sasakyan niya. "It's no big deal," he said habang nakangiti rin sa akin. Nakangiti pa rin ako. "Um..." sambit ko. "Yes?" "Am, ‘yung mga nasabi ko sa iyo kanina about my past, sorry ah? Nakapaglabas tuloy ako ng sama ng loob sa iyo," ngiti kong sabi rito. "Ano ka ba? Okay lang ‘yon. At least at ease na tayo sa isa’t-isa. Para hindi na rin tayo magkaroon nang ilangan kasi magkatrabaho na tayo," he said. "Yeah,” tango ko rito. “Tama ka," sabi ko pa rito. "Um, so paano? I guess we'll see again tomorrow," he said. I nodded. "And please, Ada, don't be so early. Kasi ikaw pa ‘yung naghihintay sa akin,” he said. Hindi ko alam

