Hindi pa rin ako lumalabas ng office ko kahit na tumawag na si Grace sa akin na kanina pa raw ako hinihintay ni Frolic sa labas para umuwi na raw kaming dalawa, dahil ihahatid niya ako. “Ma’am Ada, mauna na po ako,” paalam sa akin ni Grace nang tumawag ito sa telepono. “Um, Grace, are you sure wala ka nang gagawin?” tanong ko rito. “Wala na po, Ma’am. Natapos ko naman po ang lahat ng mga pinapagawa ninyo ngayong araw, Ma’am Ada,” tugon nito sa akin. Natatakot kasi akong lumabas at talaga ayokong lumabas. “Um, are you really sure?” pagsisigurado kong tanong dito. “Sure na sure po, Ma’am Ada,” sagot niya. “Um, kung ganoon, paki-double check mo nga kung ano ang schedule ko for tomorrow?” tanong ko rito. “Wait lang po, Ma------,” hindi na natapos ni Grace ang sa

