Chapter 47 Nagdadabog akong lumabas sa kwarto at nagtungo sa kusina dahil sa inis. Nagsalin ako ng malamig na tubig sa baso saka uminom para kumalma saka bumalik sa kwarto, pinatay ang ilaw at ni-lock ang pinto nang sa ganoon ay hindi makapasok si Noven. Nagshower ako saglit at nagbihis gamit ang kanyang shirt saka nagpasya ng matulog. Bahala siya sa buhay niya. Ipinikit ko ang mga mata at ilang sandali pa ay narinig ko ang sunod-sunod na katok sa pinto. "Baby, let me in," rinig kong sabi niya habang pinipilit ipihit ang doorknob. "Bahala ka na sa buhay mo," mahinang saad ko at hindi na siya pinansin. Nagulat ako nang bumukas ang pinto saka sumunod na bumukas ang ilaw. Bumungad sa akin ang kunot-noong mukha ni Noven saka ako nilapitan. "Why are you so mad, baby? I am not doing any

