Chapter 33 Kagaya ng inaasahan, sa condo nga ni Noven kami hinatid ni Steve. Magpapahatid sana ako sa bahay ngunit nahihiya na rin akong makisuyo dahil mukhang nagmamadali naman ito. Umupo muna ako sa waiting area at naisip na magpasundo na lang sa pinsan kong si Wane kaya dinial ko ang phone number niya ngunit cannot be reached ito. Napatigil si Noven nang maramdamang hindi ako nakasunod sa kanya at nagsalubong ang kilay nito. "What are you doing there? Ano na namang laro ito, Lanielle Faith? Maghahabulan na naman ba tayo?" seryosong sabi niya. Sumama ang timpla ko sa narinig. "Ikaw ba, sa tingin mo, anong ginagawa mo? After humiliating me, narito ka ngayon, at parang ako pa ang may kasalanan. Bakit ganyan ka? You're mad about how I reacted on the things you did which hurt me the mo

