Chapter 32 "Lanielle Faith, come over here." Ramdam ko ang galit sa kanyang boses habang diretso ang tingin niya sa mga mata ko. "Faith, okay ka lang?" saad ni Zack saka niya binalingan si Noven. "Gago ka, ah! Paano kung nadisgrasya kami?" galit na sabi ni Zack. Malamig ang ekspresyon ni Noven at tila walang narinig. Naglakad siya palapit sa akin at alam kong uminit na rin ang ulo ni Zack. Hinawakan ko siya para pigilan mula sa pagsugod kay Noven dahil base sa ekspresyon nito ay talagang wala siyang aatrasan. "Zack, okay lang ako. I am sorry, I'll come with him. I need to..." wika ko at kumalma naman ito saka nag-aalala akong tinitigan. "Don't worry, okay lang ako," dagdag ko pa. Bumuntong hininga siya at sumakay muli sa kanyang motor saka nauna ng umalis. Lumapit ako kay Noven n

