Chapter 31 Bago ako pumunta sa opisina ni Noven ay pumunta muna ako sa rest room para siguraduhing maayos ang aking itsura. Tiningnan ko ang mukha sa salamin at muling nag-aplay ng matte kong pulang lipstick. Chineck ko rin ang aking kasuotan. Bahagya kong binaba ang suot na itim na top nang ma-expose kaunti ang cleavage kong pilit. Mabuti na lang at push-up bra ang aking ginamit. Ngayon ay sisiguraduhin kong maglalaway siya sa sinayang niya. It's time for me fire my revenge on him. Naglakad ako papunta sa opisina niya at ilang sandali pa ay pinapasok ako ng kanyang sekretarya. Nakita ko naman ang mabilis na pagdapo sa akin ng kanyang mga mata kaya hindi ko rin inalis ang paningin sa kanya habang nil-lock ang pinto ng kanyang opisina. Kami lang ang nasa loob kaya ito na ang pagkakatao

