Chapter 49 Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang puting kalangitan at marahil ay nasa langit na nga ako. Maraming salamat at tinanggap ako rito sa paraiso gayong napakalaki ng kasalanang pagkitil sa sariling buhay. "Lan..." bulong ng isang boses at nag-echo pa ito sa aking tainga. Kailangan kong mahanap sina mama at papa at yakapin sila ng napakahigpit. Ilang sandali pa ay unti-unting lumiwanag ang paligid at ang nakitang tila puting kalawakan kanina ay ceiling pala ng aking kwarto. Napatingin ako sa gilid at napakunot nang makita ang night stand ng aking kwarto. "Salamat sa Panginoon at gising ka na! Ano ba kasi ang iniisip mo!" ani Danica saka ako hinawakan sa kamay. "Patay na ba tayo?" litong tanong ko sa kanya. "Sira kang babae ka! Paanong mamamatay

