Chapter 60 "The Other Side" (Flashback 3) Sa nagdaang dalawang Linggo ay nanatili akong estranghero sa isipan ni Lanielle. Isang araw, dinalaw ko siya sa kanilang tahanan at nadatnan ko siyang dinadaluhan ng kanyang magulang dahil kumikirot daw ang kanyang ulo at bigla niya akong hinahanap hanap. "Si Noven 'ma? Hindi ko maintindihan ang sarili ko," hikbi niya habang nakayakap sa kanya ang kanyang ina. Napalingon siya sa kinaroroonan ko at tila nabuhayan ang kanyang mga mata. Bumalik na siya. Maya-maya pa ay nilapitan niya ako saka biglang niyakap nang mahigpit. Hinawakan ko ang kanyang baywang at hinagod ang kanyang likod. Matagal-tagal na rin simula nang mayakap ko siya. "Thank you," bulong niya saka tumitig sa akin. Hinawakan ko naman ang kanyang mukha at hinalikan ang kanyang n

