Chapter 59 "The Other Side" (Flashback 2) Binuhat ko ang aking asawa habang nagmamadaling lumabas sa hotel patungo sa parking lot. Halos hindi ko malaman ang gagawin dahil wala ng malay ang babaeng mahal ko at ang pinakamasaklap ay naganap pa ang pangyayaring ito sa mismong araw ng aming pag-iisang dibdib. Nakasuot siya ng traje de boda ngunit heto na siya sa ospital, walang malay at kasalukuyang chinecheck ang kanyang vital signs. Kinabahan ako nang makita mula sa bintana ang mga nurse at doktor na hindi matigil sa pagkalikot ng mga teknolohiya sa loob at nakita kong tinusok ng karayon ang kamay ng aking asawa habang payapang nakapikit ang kanyang mga mata. "Anak...Noven, kumusta na siya? Ano ba namang kamasalan ito? Nataon pang kasal niyo.... Nagkamalay na ba siya, anak?" hikbing

