Chapter 55 Umuwi ako sa bahay at hinanda ang mga gamit ko sa paglayo. Kabilang na rito ang mga maternal dress na binili ko sa online shop, mga personal care products, at ilang mga pagkaing hahanap hanapin ko balang araw sa probinsiya. Mabuti na ang handa. Napakarami ko pa namang cravings sa mga nagdaang araw. Bago ko inayos sa maleta ang mga gamit ko ay kinumpirma ko muna ang pagdadalang-tao ko. Ginamit ko ang PT kit at labis-labis ang naramdaman kong saya nang lumabas ang dalawang linyang pula. Kinuha ko na ang mga gamit ko at hinanda ang perang gagamitin. Sapat naman na ang naipon ko at makakayanan ko na rin sigurong itaguyod ang pamumuhay sa probinsiya kahit ako na lang mag-isa. Sana ay mapatawad ako ni Noven sa aking paglayo at nawa'y maintindihan niya rin balang araw na para sa ik

