Chapter 41 Magkahawak-kamay kaming bumalik sa kinaroroonan ng mga kasama namin habang nasa pampang na naman ang mga ito. Ilang sandali pa ay lumapit ang hinihingal na bodyguard ni Noven at tila may ibabalita. "Sir, nasundan raw ng media si ma'am Amber. Nasa gate raw ang mga ito at nagpupumilit na pumasok," wika niya kaya kinabahan ako. Siguradong dudumugin kami kung sakali. "Amber!" galit na tawag ni Noven sa kapatid. "Yeah?" ani ng kapatid nito. "You came here with the chopper. Paano ka nasundan ng media?" "For real? Nasundan ako?" gulat na tanong niya. "What else? There are reporters outside," masungit pa na sabi ni Noven. "Kung nakabantay sila, paano tayo makakaalis? Hindi tumitigil ang media hangga't wala silang napapala," wika ko. "We can ride the chopper. Others may take t

