Chapter 43 Inasikaso ko ang mga dokumentong kailangan ko sa pag-aapply sa trabaho. Naisip kong sa maliliit na kumpanya na lamang mag-apply o 'di kaya ay sa mga karinderya o stalls na hindi gaanong dinudumog ng mga tao. Nagbihis ako gamit ang simple kong t-shirt at pantalon saka nagpasyang maglibot-libot sa paligid para maghanap ng trabaho. Sumakay ako sa tricycle at sinabing ibaba ako sa malapit na karinderya at nabuhayan ako ng loob nang makita nga ang karinderyang maliit lang at may kaunti rin itong customers. Halimbawa na lang ay ang mga tricycle driver. Lumapit ako sa counter at tinanong kung anong order ko at umiling ako. "Naghahanap po kasi ako ng trabaho. Baka po nangangailangan kayo ng kasama rito," saad ko sa ginang at napakunot ang kanyang noo. "Sigurado ka bang tama ang lu

