Kinabukasan ay pumunta ako ng maaga sa sinabing lugar. May sumalubong agad sa akin at pinasakay ako sa bus. Umupo ako sa bandang likod. Nagtaka ako dahil walang katao-tao. Ako lang, ang driver at ang sumundo sa akin. "Sir, susunduin natin yung iba sa isa pang pick-up point" ang sabi ng sumundo sa akin, napatango na lang ako. Nagsimula nang umandar ang bus na ako lang ang pasaherong karga. Makalipas ng ilang minuto o oras ata ay huminto ang bus. Hindi ko na namalayan ang oras dahil nakatuon ang atensyon ko sa PSP na dala ko habang nakasalampak ang earphones sa tenga ko at kumakanta ang bandang The Script ng sari-saring awitin nila. Nagulat ako nang isa-isang pumasok ang mga estudyante ng isang high school sa bus. Unti-unting napuno ang bus, napatanong ako sa sundo ko kung tama ba yung nasa

