"Sana naman naconvince na kita na tigilan mo na ang pakikipaglaro kay Darren dahil may boyfriend ka" napakunot ang noo ko sa sinabi niyang may boyfriend ako. "You heard right, boyfriend mo na ako and I don't want you near him." Napatango na lang ako. Heaven! kami na. Ang tagal ko rin kayang pinangarap to. Desidido na talaga akong iwasan si Darren. Nataranta ako ng may kumatok sa pintuan. Umalis ako sa harap nito. Kaagad namang binuksan ni Evo ang pinto at nakita namin si Darren sa labas. He's folding his hands. "Tapos na kayo? Pwedeng ako naman kasama si Stefan?" ang nakakainis na tanong ni Darren kay Evo. Rumihistro sa mukha ni Evo ang galit. Samantalang ako naman ay inis dahil sa nakaka-insultong tanong niya. Nagmumukha akong bayarang babae na pwedeng pagpasapasahan ng kung sino-sino.

