"Opo. Pinahabol lang po kagabi. Nagbayad nga po ng doble para lang mahabol nya ang mga bulaklak" ang pagpapaliwanag ni Kuya Delivery boy. Kahit paano ay napaliwanagan ako. Inilapag ko sa center table ang nga yun. Kaagad kong kinuha ang phone ko at tinext si Evo. Nagpasalamat ako sa binigay niya ngayong umaga. Pagkatapos ay tumawag ako sa bahay nila Kuya Louie. Sumagot si Kuya Louie. "Chua-Atienza Residence, this is Louie, how may I help you?" "Kuya Louie! Gising na ba si Darren. Could I talk to him?" "Yeah, he's awake and no you can't right now; umalis siya agad eh" "Ganun ba? Di bale na lang" "Got something to say to him? Ako na ang bahalang magsabi" "Thanks sa pinadala niya. Yun lang Kuya, salamat" "No prob, bayaw" ang huli niyang sinabi. Magsasalita pa sana ako pero binaba niya n

