Nagising na lang ako nang maramdamang may mabigat na nakapatong sa bewang ko. Nagulat ako ng minulat ko ang aking mga mata at natagpuan na wala ako sa aking kuwarto. Wala ang pursigido kong alarm clock sa sa side table. Hindi ko yun side table dahil iba ang itsura. Nakita ko ang portrait ni Darren at narealize ko na nasa kuwarto niya ako. Hindi ko na nagawa pa ang umuwi kagabi dahil sa tamado na ako sa aming inuman; kasama pa ang paghiga ko at pagmuni-muni kagabi. Inilapat ko ang aking mga mata sa kung ano mang nakapatong sa aking bewang at nakita ang isang braso. I turned my body around and saw Darren sleeping. Mahimbing ang tulog niya at nakayakap siya sa akin. Hindi ko alam kung alam niya na alam ko na ako ang katabi niya at ang yakap-yakap niya. I traced his eyebrows with my finger goi

