Naubusan na ako ng mga katagang maisasagot sa kanya. Alangan naman sabihin kong mahal ko rin siya; paaasahin ko lang siya dahil si Evo naman talaga ang gusto at mahal ko. Hindi rin pwedeng sabihing i hate you dahil aminado akong nagkakagusto na rin ako sa kanya. Si Kuya Louie kasi,eh! Kung bakit naman niya pa ako tinawag-tawag. "Okay lang; wag ka nang sumagot. Alam ko naman eh" ang kaagad niyang sinabi sa akin. Naguiguilty ako sa hindi pagsagot pero mas nakakatakot ang mga pwedeng mangyari pa kung sasagot ako. "Pero sana naman maniwala ka na tamado ako sa'yo. Stefan, mahal kita. Hindi ko alam kung bakit nung linapitan mo ako nun; mahal na ata kita. Hindi ako makatulog dahil ikaw lang ang nasa isip ko. You haunt me in my dreams. You chase all the sanity in me. Hindi ko alam kung bakit kapa

