Chapter 21: Crazy

596 Words
"I like you. Hindi nga lang gusto, baka mahal na nga rin kita" "You don't fall in love with a person whom you just met thrice" hindi ako naniniwala sa sinabi niya. Maliwanag pa sa sikat ng araw na pinaglalaruan niya lang ako. "But I just did" ang mahina niyang pagdepensa. "Really?" ang sarkastikong tanong ko habang napaikot na naman ang mga mata ko. "Ang tawag diyan; kalokohan!" "Hindi" ang mahinahon niya pa ring tugon. "Ang tawag dun, love at first sight." "Love at first sight? May alam ka pa lang ganung mga bagay" natawa ako sa sagot niya. It's foolish. Walang ganun. Sa bagay, a flirt always fall in love that easy and falls out of love that easy too. What's new? "Ang sabi mo; magiging mabait ka sa akin ngayon?" "Oo nga" "Then, let's watch" ang sabi niya sa akin sabay akbay. Tumango na lang ako at hindi na nakipag-argumento sa kanya. Nanahimik din siya at itinuon ang atensyon kay Sandra Bullock. Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil sa pagkaka-akbay niya sa akin. Dahil nga nakasando lang siya ay ramdam na ramdam ng leeg ko ang init at kinis ng braso niya. Napakunot ang ulo ko nang hawakan niya ang ulo ko at dahan-dahang inilalapat sa matipuno niyang dibdib. Nararamdaman ko ang pagpintig ng kanyang puso. Ganun ang aming posisyon habang nanonood. Paminsan-minsan ay nararamdaman kong hinahalikan niya ang ulo ko. Para lang kaming magboyfriend na sweet na sweet sa isa't-isa. Hindi ko talaga siya maintindihan. He's passive-aggressive. Paweather-weather ang ugali. May mga pagkakataong nakakabwisit ang pagfli-flirt niya sa akin at ngayon naman; ang sweet niya sa akin. Nakakabaliw siyang tao; i mean literally! Nakita ko na lang ang isang bowl of French fries na inilapag sa center table. Hinanap ko ang naglapag nun at kaagad kong nakita si Kuya Louie. Nakatingin siya sa akin at nakangiti ng nakakaloko. Naupo siya malapit sa amin at kinindatan ako. Naramdaman kong nang-init ang aking mga pisngi sa kahihiyang dinudulot sa akin ni Darren. "PBB Teens" ang tukso ni Kuya Louie sa amin. Pinilit kong ikawala ang aking sarili kay Darren pero hindi niya ako hinayaan. "Kuya, stop messing around. Minsan na nga lang ako pagbigyan nitong honeybunch ko" ang pagmamaktol ni Darren sa kanyang kapatid. "Ang sungit-sungit kaya nito sa akin" "Mabuti naman at nagustuhan mo ang isa pang regalo ko sa'yo. Ako kaya ang nagtawag diyan" ang masayang sinabi ni Kuya Louie kay Darren; alam kong ang regalong sinasabi niya ay ako. Kinuha ni Darren ang bowl ng fries at sinimulan ang pagkain nito; sinusubuan niya ako pagkatapos niya. Nakaka-inis na siya; pasalamat siya sa birthday niya; kung hindi isinampal ko na sa mukha niya yung bowl. Ano ako lumpo? Kailangan pang subuan? Ano ako teddy bear? Kung makayakap siya sa akin; daig pa ang bata. "Darren, nangangawit na ako, pwede ba?" Kaagad niya akong pinakawalan. Nakahinga na ako ng maayos. Itinapat niya ang dalawang pirasong fries sa bibig ko. Imbes na isubo ko ay hinatak ko ang mga yun mula sa kanya at ako mismo ang naglagay sa bunganga ko. Dahil sa inis ay kinuha ko ang bowl ng fries at kumain habang nanonood ng THE PROPOSAL. Hindi na umimik pa si Darren. Sinulyapan ko siya; wala na ang ngiti sa kanyang labi kundi isang simangot ang naroon. Nakatitig siya ng masama sa kanyang nakakatandang kapatid. nakita kong gumalaw ang kanyang labi, nabasa ko ang mga salitang: "Look what have you done!" Sinulyapan ko naman si Kuya Louie. He mumbled "Sorry, my bad" sabay praying position. Bumalik ang tingin ko kay Darren. "Go away. Leave us alone!" Nakatingin na sa akin si Kuya Louie nang muli ko siyang sulyapan. Kaagad ko namang binawi ang tingin ko sa kanya at muling tumingin sa eksena ni Sandra at Ryan. Pinilit kong makiramdam sa dalawa; batid kong tahimik silang nagsusumbatan. Narinig ko na lang si Kuya Louie na napabuntong-hininga. Kaagad siyang tumayo at umalis; hindi ko alam kung nagpunta siya sa second floor ng bahay nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD