KINABUKASAN, maagang nagising ang kambal dahil excited sa adventure nilang mag-pamilya. Ito ang unang bonding nila na walang halong pagkailang. Excited na bumangon si Julio, at hinila rin pabangon naman ang kapatid nito. Nakangiti ang batang lalaki dahil nakita niyang magkakatabi silang mag-anak sa isang malaking kama. "Good morning, Itay!" wika ni Julio sabay halik at yakap sa ama. Naalimpungatan naman agad si Zapper sa biglang yakap at halik ng anak. Napakasarap naman ng gising niya. Ngayon niya lang nakita ang anak na lalaki na malawak ang pagkakangiti sa umagang iyon. " Good morning din, Champ! I love you anak," malambing niyang sagot rito at niyakap niya ito ng mahigpit. Tila naiinggit naman ang batang babae at ang Nanay naman nito ang niyakap at hinalikan din sa pisngi. "Good

